Pasok sa trabaho sa mga govt offices sa Abril 5, suspendido simula alas-12:00 ng tanghali
- Published on April 1, 2023
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE na ng Malakanyang ang trabaho sa government offices sa Abril 5, 2023 mula alas-12 ng tanghali, araw ng Miyerkules upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe, papunta sa o pauwi mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ito’y bilang pagtalima na rin sa regular holidays sa Abril 6 hanggang 7, 2023 dahil sa paggunita sa Mahal na Araw.
Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo.
Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 16, pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, ngayong araw ng Biyernes, Marso 31, 2023, layon nito na bigyan ang mga empleyado ng pamahalaan ng “full opportunity” na maayos na gunitain ang mga petsa ng Abril 6 hanggang 7, regular holidays at payagan at hayaan ang mga ito na “to travel to and from the different regions in the country, kaya’t ang Abril 5, 2023 ay idinedeklarang suspendido mula alas-12:00 ng tanghali.
Gayunman, ang mga ahensiya na ang tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng ” basic at health services, preparedness/ response to disasters and calamities, and/ or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services.”
Samantala, ang suspensyon naman sa trabaho sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang mga employers. (Daris Jose)
-
Door-to-door pantry inirekomenda
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ihatid na lamang sa mga bahay ng pantry organizers ang kanilang mga donated goods upang hindi na maglabasan pa ang mga tao partikular ng mga senior citizens at makaiwas sa virus ng COVID-19. Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronaldo Olay, ang lahat ng pag-iingat […]
-
Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon
PASOK na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina. Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player. Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]
-
Golden State Warriors natuwa sa pagbabalik na sa practice ni Klay Thompson
Nagbubunyi ngayon Golden State Warriors matapos na makita sa kanilang training camp ang pagbabalik na ni NBA superstar Klay Thompson. Inabot din ng mahigit sa dalawang taon na hindi nakapaglaro si Thompson sa NBA. Sumailalim kasi ito sa pagpapagamot matapos magtamo ng pagkapunit ng ACL sa kanyang kaliwang paa sa Finals […]