• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pastillas’ scheme ng BI, nag-ugat sa kasakiman, kurapsyon – Sen. Lacson

NAG-UGAT sa kasakiman at korupsyon at hindi sa kakulangan ng benepisyo ang “pastillas” scheme kung saan dawit ang ilang opisyal mula sa Bureau of Immigration, ayon kay Senador Panfilo.

 

“Suspension or termination of overtime pay and non-inclusion in the salary hike of other government employees should never be a reason for corrupt BI personnel to justify the illegal acts they commit to augment their income. That is crap, and I am not buying it,” ani Lacson.

 

“While the Bureau of Immigration’s reshuffle of its airport personnel may be a step in the right direction, it will have little success if it does not eradicate greed and corruption,” dagdag pa niya.

 

Iniutos na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang balasahan ng lahat ng mga tauhang naka-assign sa Terminal 1 hanggang 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa gitna ng imbestigasyon sa suhulang nagaganap.

 

Mula sa isang sikat na Pinoy dessert na “pastillas” ang modus dahil nakarolyo umano sa bond paper ang perang natatangap ng mga tauhan ng BI.

 

Sa isang Senate hearing, sinabi ng whistleblower na si Allison Chiong, isang Immigration Officer 1, na nagsimula ang scheme nang tanggalin ang overtime pay para sa mga opisyal ng BI noong 2012.

 

“To cope with the substantial deduction of their salaries, some immigration officers decided to officer VIP services for immigrants who are casino high-rollers. This VIP service involved immigration officers accepting P2,000 for each high rollers in exchange for the latter’s convenient and seamless immigration,” ani Chiong.

 

Makailang-ulit nang sinabi ni Lacson na hindi dapat gumawa ng anumang corrupt practices, anumang hirap ang maka-engkuwentro nila sa kanilang trabaho.

 

“Noong pumasok kami bilang mga kawani ng gobyerno, alam naman namin ang mga limitations, even sacrifices, as well as the benefits that go with being in public service. But even the so-called benefits are governed by rules and regulations, and should not put us above our counterparts in the private sector,” giit pa ng senador.

Other News
  • 73 matatandang inabandona ng kanilang pamilya sa Valenzuela, bakunado na

    INIHAYAG ni Mayor Rex Gatchalian na nabigyan na ng kanilang unang dose ng CoronaVac kontra COVID-19 ang nasa 73 matatandang inabandona ng kanilang mga pamilya sa lansangan ng lungsod.     “Remember the 73 senior citizens who were abandoned by their families and now live in ‘Bahay Kalinga,’ it’s their turn to be vaccinated,” ani […]

  • Ngayong buntis at ‘di na puwedeng mag-diet: KRIS, siguradong titigilan na ng mga bashers at body shamers

    TITIGILAN na siguro ng mga bashers at body shamers si Kris Bernal ngayon dahil kinumpirma nito na buntis siya sa first baby nila ni Perry Choi.     Ibinahagi ni Kris ang magandang balita via social media at bongga ang announcement nila ng asawa dahil ginastusan pa nila ang concept ng pregnancy reveal.     […]

  • Bubble training ng national athletes sisimulan ngayong Enero

    Sisimulan na ngayong Enero ang pagsasanay ng national athletes sa isang bubble setup sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.   Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez, makakababalik na sa ensayo ang mga atleta partikular na ang mga naghahangad na makasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics.   “The bubble training that we […]