‘Pastillas Scheme’, paiimbestigahan ng Immigration
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Bureau o Immigration commissioner Jaime Morente ang responsibilidad na alamin ang katotohanan sa sumbong sa senado na diumano, may umiiral na Pastillas scheme sa immigration sa airport.
Lumabas kasi sa pagdinig ng senado na diumano, ang mga Chinese national na pawang mga pogo worker ay binibigyan ng special treatment ng bid personnel kapag dumarating sa paliparan ng bansa, kapalit nito ay ang pakimkim o halagang 10 libong pisong nakabilot sa papel na tila pastillas.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat ay hindi lamang ang regular na trabaho ni commissioner Morente ang ginagawa nito, kundi dapat ay inaalam din nito ang mga sumbong ng anomalya o iregularidad sa kanyang mga nasasakupan.
Walang pwedeng gawin sa ngayon ang palasyo hinggil dito dahil wala namang reklamong idinudulog sa kanila.
Kailangan kasing may basehan munang panghawakan ang palasyo bago sila mag imbestiga.
Nakatitiyak naman si Panelo na malamang ay pinagpaliwanag na ni justice secretary Menardo Guevarra si commissioner Morente hinggil sa bagay na ito.
Hindi naman masiguro ni Panelo kung ang mga report ng iregularidad sa bureau of immigration sa airport ay nakarating na sa Pangulo.
Pero sa ngayon, sinabi ni panelo na wala namang sinasabi pa si pangulong Rodrigo Duterte na wala na itong tiwala kay Morente. (Daris Jose)
-
Malakanyang, pinanindigan na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa Covid-19 sa bansa
PINANINDIGAN ng Malakanyang na ‘equally effective’ ang lahat ng bakuna laban sa lahat ng variants ng coronavirus sa bansa. Kabilang na rito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang Chinese vaccine Sinovac, na lumabas na pabago-bago sa findings ng Food and Drug Administration (FDA). Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa […]
-
Bakuna sa 12-anyos pababa isusunod na ng DOH
Pinag-aaralan na rin umano ng Department of Health (DOH) ang posibleng vaccination kontra COVID-19 sa mga bata na mas bata pa sa 12-taong gulang makaraang mag-umpisa na ito sa mga adolescents. “Yes, considering nasa ibang bansa na below 12 [years old]. Hihintayin natin ang resulta ng pag-aaral,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje. […]
-
Travel ban sa South Korea, ipatutupad na
Inianunsyo ng Malacañang na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpapatupad na rin ng ban na makapasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling mula North Gyeongsang province ng South Korea. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsa-sagawa pa ng risk assessment ang task force sa loob ng 48 […]