Patay sa pagsabog sa Lebanon higit 70 na, halos 4,000 sugatan
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
Nasa 78 katao na ang patay at mahigit 3,000 katao ang nasugatan sa malakas na pagsabog sa Beirut port sa Lebanon.
Sinabi ni Health Minister Hamad Hassan, agad na dinala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima.
Nagpakalat na rin sila ng mga rescuers sa lugar para iligtas ang mga naipit sa pagsabog.
Ayon pa sa health minister halos 4,000 na ang naitatalang mga sugatan.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.
Tiniyak naman ni Prime Minister Hassan Diab na kaniyang pananagutin ang sinumang nasa likod ng pagsabog.
Hindi rin nakaligtas ang Baabda Palace, ang official residence ng Lebanese president.
Kasunod din nito, nagdeklara na siya ng national day of mourning sa nangyaring pagsabog.
Naramdaman ang nasabing pagsabog sa 240 kilometers maging sa isla ng Cyprus at ilang katabing lugar ng Beirut.
Dahil sa sobrang lakas ng dagundong nagdulot pa raw ito ng seismic waves na katumbas ng 3.3 magnitude.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino ang namatay at anim ang sugatan matapos madamay sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa statement ng DFA, ang mga Pinoy ay nasa loob ng bahay ng kanilang mga employers nang mangyari ang pagsabog.
Tinatayang nasa 33,000 ang mga Filipino sa naturang bansa.
Una nang iniulat ng Lebanon health ministry na 78 na ang patay, habang nasa 4,000 naman ang mga sugatan.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sumabog umano ang isang bodega na pinaglagyan ng mga nakumpiskang mga pampasabog.
Iniulat naman ni Lebanese Prime Minister Hassan Diab na nasa 2,750 tonelada ng ammonium nitrate na anim na taon nang nakaimbak sa warehouse kung saan nangyari ang insidente.
Ayon sa statement ng DFA, ang mga Pinoy ay nasa loob ng bahay ng kanilang mga employers nang mangyari ang pagsabog.
Tinatayang nasa 33,000 ang mga Filipino sa naturang bansa.
Sa naturang pagsabog, 78 na ang namatay habang mahigit 4,000 ang sugatan.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng pagsabog pero ayon sa mga opisyal doon, posibleng ang 2,700 tonnes o 2,700,000 na kilo ng mga nakumpiskang ammonium nitrate na nasa warehouse sa naturang port sa loob ng anim na taon ang sumabog.
Ang ammonium nitrate ay ginagamit bilang kasangkapan sa paggawa ng pampasabog sa mga minahan, quarrying at civil construction.
Samantala, nanawagan ang DFA sa mga Pinoy sa Lebanon na kung sakaling kailangan nila ng tulong ay komontak lamang sa Philippine Embassy sa mga numero na: +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 at +961 70858086.
Maaari ring sulatan ang embahada sa email address na: beirutpe@gmail.com (email) o kaya sa Facebook. (Daris Jose)
-
Award-winning cinematographer na si ROMY VITUG, pumanaw na sa edad na 86
INAMIN ni Super Tekla na hindi raw madali ang trabaho nila bilang performer sa comedy bar. May pagkakataon daw na puwedeng manganib ang buhay nila. “Kasi mahirap eh, dapat responsibility mo ‘yun. ‘Yung words mo dapat appropriate paglapat mo sa tao para hindi offended. Noon may na-offend sa biro ko, nagkasa […]
-
Sen. Pimentel, nakahandang pangunahan ang imbestigasyon sa Duterte drug war
Nakahanda umano si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang imbestigasyon ng Senado sa madugong drug war na pinangunahan di dating Pang. Rodrigo Duterte. Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee ang magsasagawa ng parallel investigation kung saan ang naturang komite ay pangungunahan ni Pimentel. […]
-
Anak ni Pacquiao nagpakita ng talino
NILADLAD ng ng anak ni eight-division world boxing champion, Sen. Emmanuel Pacquiao na si Michael Pacquiao nang tamang masagot ang pito sa Walong tanong upang mapremyuhan ng P45K sa Eat Bulaga Bawal Judgmental TV noontime show nitong Miyerkoles, Disyembre 2. Umiskor ang Ingleserong bata na ipinakilalang rapper art artist ng 3-of-4 sa opening stanza […]