• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy ang pagtangkilik sa MRT 3 kahit wala ng libreng sakay

MAY NAITALANG daily average na 300,000 na pasahero ang sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) kahit na tapos na ang libreng sakay na nagpapatunay ang patuloy na pagtangkilik ng publiko sa rail line.

 

 

 

Ayon sa datus ng MRT 3, may kabuohang 321,978 na pasahero ang sumakay ng MRT 3 noong nakaraang Lunes habang may 317,351 na pasahero naman ang sumakay noong nagdaan Martes.

 

 

 

“During the implementation of the libreng sakay from March 28 to June 30, the EDSA rail line recorded surges in daily passenger headcount that surpassed the 300,000-level and even reached over 380,000 passengers last June 10,” wika ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

 

Nalagpasan pa nito ang dating records ng daily average na 250,000-300,000 ng pasehero bago pa ang pandemya ay mangyari sa bansa noong 2020.

 

 

 

Samantala, nag-ulat naman si bagong Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kay President Ferdinand Marcos na sumakay siya ng MRT 3 na hindi nakikilala ng mga tao bilang isang pasahero sa estasyon ng GMA-Kamuning hanggang Taft Avenue.

 

 

 

Nalaman ni Bautista na kahit na walang na ang programa sa libreng sakay ay marami pa rin ang mga pasahero sa MRT3 dahil sa ito ay “fast and comfortable” na paraan ng paglalakbay at kahit na mahaba ang pila sa mga estasyon at boarding sa mga coaches.

 

 

 

Ayon kay Bautista kanyang isinusulong ang kanyang rekomendasyon na magkaron ng karagdagang platform waiting seats para sa mga senior citizens, disabled persons at pregnant women. Pinalalagyan rin niya ng karagdagan Consumer Welfare Desks upang maging accessible sa lahat ng pasahero at dagdagan pa rin ang mga X-ray machines. Pinadaraagdagan din ni Bautista ang ticket counter complement at maging available parati ang medical technicians sa lahat ng estasyon. Gusto rin niya na isulong ang paggamit ng stored-value tickets kaysa sa single-journey tickets upang mabawasan ang pila sa mga estasyon at maging maayos ang onboard announcements.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, inulat naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may naitalang 148 million na pasahero ang nag avail ng libreng sakay sa buong bansa sa ilalim ng progamang 3rd phase ng service contracting na sinumulan noong April.

 

 

 

“We have recorded a total number of 148,670,446 riders nationwide under the Service Contracting Program (SCP) Phase 3, from April 11 to July 4, 2022,” saad ng LTFRB. Halos lahat ng regions sa bansa ang ay may programa ng SCP maliban lamang sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

 

 

 

Sa ilalim din ng programa sa service contracting, ang PUV operators ay bibigyan ng one-time incentive na P5,000 kada unit bilang “pre-operating costs” habang ang operational incentives ay ibibigay kada linggo. Kasama rin dito ang gastos para sa fuel, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead na gastos.

 

 

 

“The agency continues to believe that the additional income for participants as well as the fare saved by the commuters will be a big help to meet their daily needs, especially now that many of our countrymen continue to have their livelihoods affected because of the COVID-19 pandemic and continued increases in fuel and commodities,” sabi ng LTFRB.

 

 

 

Ang programang ito ay inilungsad sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na Bayanihan To Recover as One Act kung saan ito ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga mangagawa sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pandemya.

 

 

 

“The latest implementation of the program was included in the General Appropriation Act (GAA) for the Fiscal Year 2022 and aims to ensure efficient and safe operations of PUVs, provide financial support to transport operators and workers, and sustain support to Filipino workers and commuters,” dagdag ng LTFRB  LASACMAR 

Other News
  • PNP Cavite, palaisipan sa kaso ng pari na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse

    PATULOY  pang iniimbestigahan ngayon ng Cavite Police Provincial Office ang motibo kaugnay sa isang parish priest na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse.     Una rito, natagpuan araw ng Linggo sa Silang, Cavite ang pari na naiulat na ilang araw ng nawawala o missing.     Ayon kay Silang chief of police, Lt. Col. […]

  • Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.   Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco […]

  • PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO

    HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt  o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan.     Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’  ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing .     “Di po tayo magdidikta at […]