• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy ang positibong feedback sa ‘My Plantito’: KYCH at MICHAEL, damang-dama ang ligaya at suporta sa pumunta sa fan meet

DUMALO ang cast at crew ng My Plantito sa fan meet na ginanap noong Setyembre 16, kabilang ang kapana-panabik na tambalan ng mga bida ng serye, sina Kych Minemoto at Michael Ver.

 

 

Kasama ang iba pang artista na sina Ghaelo Salva, Devi Descartin, Elora Espano at Derrick Lauchengco.

 

 

Nagkaroon nga ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng Puregold Channel, ang My Plantito, na makasama ang mga artista ng palabas at ang mga lumikha nito, sa isang hapon ng saya, kilig, at malalaking sorpresa, sa Puregold QI Central.

 

 

 

Masigabo rin ang pagtanggap ng mga dumalo sa premyadong direktor na si Lemuel Lorca, producer na si Chris Cahilig, at kay Ivy Hayagan-Piedad, Puregold senior marketing manager. Nagsilbing host ng fan meet ang aktor at modelo na si VJ Mendoza.

 

 

 

Natuwa si Ms. Piedad sa rami ng taong dumalo sa fan meet.

 

 

“Ang mga fan ng My Plantito–mula BL lovers, plantito at plantita, at iba pa–ay pumunta talaga para ipakita ang kanilang suporta sa serye. Pinapatunayan lamang nito na nasa tamang daan ang Puregold pagdating sa retailtainment,” pagbabahagi niya.

 

 

“Magtiwala kayo sa amin na ipagpapatuloy naming kumonekta sa mga suki at tagasubaybay sa pamamagitan ng mga kuwentong aantig sa puso ng mga Pilipino.”

 

 

Ibinahagi rin ni “Charming Charlie” ng My Plantito ang kanyang saya sa naging fan meet.

 

 

“Damang-dama namin ang ligaya at energy ng mga fan na pumunta sa event. Hindi matatawaran ang nakita naming mga ngiti nila. Masaya ako na kasama ako sa My Plantito, at kakaiba ang pakiramdam ng pagtanggap ng mga fan dito at sa ibang bansa.”

 

 

Sabik din ang misteryosong plantito na si Miko.

 

 

“Parang mainit na yakap ang fan meet na ito mula sa aming mga tagapanood. Natutuwa kaming makita kung paano nila sinusubaybayan ang pinaghirapan namin, at kung paano sila nakaka-relate sa kuwento. Itong suporta na ito ay nagtutulak sa amin at sa Puregold Channel na pagbutihin pa.”

 

 

Sa naganap na fan meet, dalawang swerteng fan ang nagkaroon ng pagkakataon na iuwi ang lahat ng produktong kaya nilang makuha sa One-Minute Puregold Grocery Hakot.

 

 

Isa pang inabangan sa fan meet ang pagtatanghal nina Kych at Michael, na talaga namang binuhay ang mga karakter nina Charlie at Miko sa harap ng kanilang mga fan.

 

 

Isang kaabang-abang na serye, nakatanggap ng positibong feedback ang My Plantito mula sa mga tagapanood, at bawat episode ay nakakakuha ng higit-milyong view kahit isang linggo pa lamang na nai-post sa Tiktok.

 

 

Nagustuhan ng mga fan ang magaang kuwento ng BL, at ang pagpapahalaga sa pamilya, pakikipagkaibigan, pagmamahal, at ligaya, mga bagay na importante sa mga Pilipino.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan – DOH

    ASAHAN na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may iba­yong pag-iingat sa kanilang kalusugan.     Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]

  • PDP-Laban, bumoto na naglalayong hikayatin si PDu30 na tumakbo sa pagka-Bise-Presidente sa 2022

    BUMOTO ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan’s (PDP-Laban) national council , araw ng Lunes na bumuo ng isang resolusyon na naglalayong hikayatin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, chairman ng partido na tumakbo sa pagka-bise-presidente sa susunod na taon.   Ang nasabing resolusyon ay mage-endorso rin kay Pangulong Duterte, na pumili ng magiging running-mate nito para […]