Paulo Costa at Israel Adensaya maghaharap na sa UFC 253
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Maraming UFC fans na ang nasasabik sa paghaharap nina middleweight world champion Israel Adesanya at Paulo Costa.
Pumirma na kasi ang magkabilang kampo para sa kanilang paghaharap sa Setyembre 19 sa UFC 253 event.
Ito na ang pangalawang pagdepensa ni Adesanya sa kaniyang UFC middleweight world title na ang una ay ang panalo laban kay Robert Whittaker sa UFC 243 noong Oktubre 2019.
Noong nakaraang mga buwan sana ang paghaharap ng dalawa subalit dahil sa injury ay ipinaubaya na lamang ni Costa ang laban kay Yoel Romero sa main event ng UFC 248.
-
20 Pinay, nailigtas mula ‘surrogacy scheme’ sa Cambodia – Embahada
NAILIGTAS ng Cambodian National Police noong huling bahagi ng Setyembre ang 20 Filipina na dinala sa Cambodia para sa surrogacy scheme. Ang ‘surrogacy’ ay isang sayentipikong pagpupunla ng mga cell ng dalawang magulang na hindi na kayang magkaanak sa ibang babaeng pwedeng manganak Sinabi ng Philippine Embassy sa Cambodia na naligtas ng Cambodian […]
-
Sa pag-amin na walang master plan sa flood control projects… Ilang matataas na opisyal ng DPWH, pinagbibitiw
PINAGBIBITIW sa puwesto ng ilang sektor ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin nito na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo. Bunsod ito […]
-
Puri ng 6-anyos ‘binaboy’, 15-anyos na kapitbahay tiklo
HAWAK agad kahapon (Huwebes) ng mga awtoridad ang 15-anyos na binatilyong inireklamo para sa umano’y paghalay sa 6-anyos na kapitbahay sa Pasay City. Dinampot ng mga security guard ang binatilyo sa tinitirhan nitong condominium matapos ireklamo ng ina ng biktima Miyerkules ng gabi, ayon sa ulat ng Southern Police District. Bago ito’y natagpuan […]