• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA balik-aksiyon na sa Araneta

Mga laro :

(Araneta Coliseum)

3:00 pm – Meralco vs NLEX

6:00 pm – Magnolia vs TNT

 

 

ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito sa bansa.

 

 

Kahapon ay naglaro si Jayson Castro  sa Tropang Giga (2-2) ang Magnolia (3-0), alas-6:00 ng gabi sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

 

 

Bago hininto ang hostilidad ng import reinforced conference dahil sa pagsirit ng COVID-19 noong Enero 5, umalpas ang TNT kontra Rain or Shine noong Disyembre 26 sa bisa ng  95-92 panalo.

 

 

Nasa landas din ng Tropa ang Phoenix Super LPG sa Linggo, Pebrero 13, San Miguel Beer  sa Miyerkoles, Peb. 16 at Barangay Ginebra San Miguel sa Biyernes, Peb. 18.

 

 

Didribol naman ang Gilas Pilipinas sa FIBA window sa Big Dome rin kung saan makakatapat ang South Korea, New Zealand at India.

 

 

Buo na ang lineup ni coach Vincent Reyes sa pagbabalik sa team nina Jeth Troy Rosario at Kib Montalbo na galing sa mga pilay. Malamang na kabisado na rin ng bagong import na si Aaron Fuller ang TNT sa pangalawang salang.

 

 

Makakatuwang nina Fuller at Castro sina Mikey Williams, Kelly William ar Roger Ray Pogoy.

 

 

Dagdag naman sa Pambansang Manok Hotshots ang mga bagong saltang sina Adrian Wong na galing free agency nang pakawalan ng RoS  at James Laput.

 

 

Sasandal pa rin ang Magnolia kina Mike Harris,  Paul John Lee, Ian Sangalan, Mark Barroca, Jiovanni Jalalon at Calvin Abueva. (CEC)

Other News
  • P45M insentibo binigay, inani ng SEAG coaches

    SINIMULAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pamimigay ng tseke mula sa inilaang halos P45 milyon cash incentives para sa 182 national coaches matapos masungkit ng Team Philippines ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games.   Batay sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 10699 o mas kilala bilang National Athletes and […]

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]

  • Mga panukalang batas, ipinasa ng Kamara

    Inaprubahan ng Kamara ang iba’t ibang panukala sa ikalawang pagbasa bago nagdeklara ng pagsasara ng sesyon para sa pagdiriwang ng Pasko.   Isa na rito ay ang House Bill 8097 na naglalayong gawaran ng karagdagang benepisyo ang mga solo parents.   Ang mga kuwalipikadong solo parents ay maaaring makinabang ng karagdagang 10% diskwento, sa pagbili […]