PBA balik na sa Pebrero 11
- Published on February 1, 2022
- by @peoplesbalita
KASADO na ang pagbabalik-aksiyon ng Philippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa Pebrero 11 na posibleng ganapin sa Smart-Araneta Coliseum.
Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang magandang balita kung saan nakikipag-usap na ito sa pamunuan ng Big Dome at sa local government unit ng Quezon City para sa resumption ng liga.
“Siguro sa Araneta Coliseum ang return but we’re stil finalizing ng venue. We’re returning on February 11,” ani Marcial.
Makakapagsimula na rin ng ensayo ang mga PBA teams simula bukas (Pebrero 1). Binigyan ng liga ng 10-araw ang lahat ng teams para makapag-ensayo bago muling simulan ang liga.
Nagpasalamat si Marcial sa Games and Amusements Board (GAB) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagtulong nito sa pakikipagpulong sa anim na LGUs na nakasasakop sa training venues ng mga PBA teams.
Ito ay ang Quezon City, Parañaque, Pasay, Pasig, Mandaluyong at San Juan. “We had six LGUs, which have jurisdiction of where teams hold their practices, but we’ve already talked to them, thanks in particular to MMDA and GAB for helping us,” dagdag ni Marcial.
Magandang balita pa ang bumungad sa PBA dahil isasailalim na sa mas magaan na Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) dahilan para muling magbukas ang usapin sa live audience.
Matatandaang natigil ang liga matapos ibalik sa mas mahigpit na Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) na pumalo sa halos 40,000 kada araw.
Subalit unti-unti nang humuhupa ang kaso sa NCR dahilan para muling ibaba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restriksiyon.
-
Dalang shabu ng kargador, buking
REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City. Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng […]
-
KOBE, dumaan din sa matinding depresyon na ramdam pa hanggang ngayon
INAMIN ni Kobe Paras sa post niya na dumaan din siya noon sa matinding depresyon na maituturing na lowest point ng kanyang buhay. Isang screenshot ang ibinahagi niya na may caption ng, “When I moved back to the Philippines 4 years ago, I was at my lowest. I was depressed, suicidal. I just […]
-
Ads December 12, 2023