• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA bubble amenities kumpleto sa libangan

TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.

 

“Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang screen para makanood sa gabi. May bilyaran at table tennis.”

 

Asinta ng unang Asia’s play- for-pay hoop na matapos ang all-Pinoy conference ng Disyembre 9 o 11, dalawang buwan tatagal sa bubble ang players na aabot ng finals. Ang mga maagang masisibak pagkatapos ng 11- game eliminations at sa bawat yugto ng playoffs ay puwede nang lumabas.

 

“It’s all about the wellness of the players. Imagine two months ka doon doing nothing,” dugtong ni chairman Victorico Vargas ng Talk ‘ N Text. Hindi na pababalikin ng bubble ang lalabas ng lugar.

 

“Hiling ng players kung p’wede raw tig-isa silang k’warto,” wakas na na sambit ni Marcial. “Pero hindi talaga kakayanin, kaya sharing sila tigalawa sa isang kuwarto.” (REC)

Other News
  • Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

    Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.     Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal […]

  • Proyekto at programa ng Duterte adminstration, kailangan na may continuity

    KAILANGAN ang “continuity” sa mga nasimulang proyekto at programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ito ang dahilan ibinigay ng mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban na nagnanais na tumakbo ang Pangulo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections.   Sa PDP-Laban meeting, sinabi ni Metropolitan Manila Mayor Benhur Abalos na walang makakapantay kay Pangulong Duterte […]

  • Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model

    Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat.   Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]