PBBM, aprubado ang shopping festival, pagpapagaan sa visa, immigration process
- Published on December 14, 2024
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Private Sector Advisory Council’s (PSAC) na maglunsad ng shopping festival sa buong bansa at pagaanin ang visa at immigration process para mas lalo pang mapalakas ang turismo sa Pilipinas.
Ibinigay ng Pangulo ang kanyang go signal sa isang pagpupulong sa Palasyo ng Malakanyang kasama ang tourism sector ng PSAC matapos na ipresenta ng huli ang Ilan nitong rekumendasyon para palakasin ang tourism industry kasunod ng paglagda sa Republic Act (RA) 12079 o Value Added Tax (VAT) Refund for Non-Resident Tourists.
Isa sa pangunahing rekumendasyon ng PSAC ay ang paglulunsad ng nationwide “Shopping Festival Philippines” na sasabay sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang panukalang shopping festival ay magbibigay ng insentibo sa mga dayuhang bisita, inaasahan na magbubunsod ng mas mataas na paggasta at mataas na tourism revenue.
“We’ve talked about this shopping festival. Again, I think it’s properly categorized as an easy win. So, we’ll do that,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa miting nito sa PSAC, ayon sa PCO.
Sa ilalim ng RA 12079, “tourists can claim a refund on the VAT for goods personally purchased at accredited retail outlets within 60 days, provided they meet a minimum transaction requirement of P3,000.”
Sa bagong batas, may pagtataya na 30% ang itataas sa tourist spending , mapakikinabangan ito kapuwa ng large-scale industries at micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Base sa data ng Department of Tourism, ang inbound tourism expenditure sa shopping o pamimili ay umabot sa P137.4 billion noong 2023.
Nakikita naman ng Pangulo na walang magiging balakid sa rekumendasyon ng PSAC na pagaanin ang visa access sa American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen (AJACS) at American, Japanese, Australian, Canadian, Schengen, Singapore or UK (AJACSSUK) visa holders.
Aniya, ang inisyatiba ay “the first thing” ng kanyang agenda.
“I think we should stop messing around with this system. It’s so clear already. And again, it’s something that we don’t have to pilot because it has been done for us in many, many airports,” ang winika ng Pangulo.
Gayunman, hindi naman kaila kay Pangulong Marcos na ang naturang rekumendasyon ay kailangan ng masusing pag-aaral lalo na sa aspeto ng seguridad.
Ipinag-utos din ng Chief Executive ang masusing pagrerebisa sa rekomendasyon ng PSAC na palawakin ang ‘immigration experience’ sa pamamagitan ng pagpapakilala sa digital identification system na paggamit ng biometric data, gaya ng facial recognition o fingerprint.
Aniya, ang pagpapahusay sa immigration procedures ay nagbibigay katiyakan ng tuloy-tuloy na transaksyon at ligtas na pagproseso ng paglalakbay.
“It’s just a question really of putting the systems in and getting the hardware, and then slowly educating everybody how to use that hardware. For me, it’s just a question of adopting the technology and learning how to use it. As I said, everybody else in the world is doing it already,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na ang rekomendasyon ng sektor ng turismo ng PSAC ay mahalagang inisyatiba para maka-akit ng mas maraming turista sa bansa. (Daris Jose)
-
Thirdy Ravena namamaga ang tuhod
Panibagong dagok na naman ang tumama kay Thirdy Ravena matapos magtamo ng injury sa tuhod dahilan upang hindi na naman ito masilayan sa aksiyon sa Japan B.League. Na-diagnose ang 6-foot-3 dating Ateneo de Manila University standout na may namamagang tuhod sa kaliwa na nakuha nito sa laro ng San-en NeoPhoenix at Ryukyu noong […]
-
Tyson lalabanan muli si Lewis
Inanunsiyo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaniyang lalabanan ang dati ring kampeon na si Lennox Lewis. Sinabi nito na gaganapin ang laban ng dalawa sa Los Angeles sa buwan ng Setyembre. Paglilinaw din nito, hindi na matutuloy ang nilulutong muling paghaharap niya kay Evander Holyfield. Mas […]
-
Isko-Sara tandem sa 2022 lumutang
UMANI ng negatibong komento sa social media ang lumutang na Isko-Sara tandem sa 2022 election. Pakiramdam ng kanyang mga taga-suporta “pinagtaksilan” umano sila ni Manila Mayor Isko Moreno dahil tila tinalikuran umano nito ang kanyang running-mate na si Doc Willie Ong. “Si Yorme nanonolongges na. Hindi na alam kung saan kukuha […]