• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM at mga gabinete patuloy ang masusing pag rebyu sa 2025 nat’l budget

NAGPAPATULOY ang masusing pagre- review ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga economic managers at mga gabinete sa 2025 proposed national budget.

 

 

 

Ito ang sinabi ni Executive secretary Lucas Bersamin sa gitna ng pagtiyak na naaayon sa itinatakda ng Konstitusyon ang aaprubahang budget ng Pangulo sa susunod na taon.

 

 

Ayon kay Bersamin, napakaingat ng Pangulo Hindi lamang sa pagpa- plano ng budget kundi kung paano din ito gugugulin lalo’t limitado ang fiscal sources.

 

 

Sinabi Bersamin na kanilang sisiguraduhin na una o prayoridad sa budget ang mga pangunahing legacy thrust ng administrasyon.

 

 

Una dito ay nagbigay na ng petsa ang Palasyo na target na gagawing paglagda sa GAA at ito ay sa darating na Lunes, Disyembre a trenta.

 

 

Una ng inihayag ng Pangulong Marcos na malaki ang naging pagbabago lalo sa mga budget request ng ilang mga government agencies.

 

 

Nais din ng Presidente na maibalik ang tinapyas na pondo ng Department of Education, subalit suportado nito ang zero budget para sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

 

 

No comment din ang Palasyo sa naging pahayag ni Senator Imee Marcos na sinabing “like a thief in the night” ang desisyon ng kaniyang kapatid na si Pangulong Marcos na aprubahan ang 2025 national budget.

 

 

Binalaan ng senadora ang kaniyang kapatid hinggil sa mga iligal na provisions sa P6.352 trillion national budget gaya ng pondo ng DPWH na lumubo sa P1.113 trillion na lumagpas sa P925 billion sa total budget para sa edukasyon.

 

 

Nais ni Sen. Imee na ibalik ng Pangulo ang GAB sa Congress bicameral conference commitee para ayusin ang mga problematic provisions.

 

 

Batay kasi sa 1987 Constitution ang Education ang makakatanggap ng pinakam mataas na budget sa General Appropriations Act. (Daris Jose)

Other News
  • Nagtala ng bagong ‘Guiness World Records’: BTS, binasag ang sariling record bilang “most-streamed group on Spotify”

    MULING nagtala ng bagong record para sa Guiness World Records ang sikat na Korean supergroup na BTS.   Sa katunayan ang grupo mismo ang bumasag sa sarili nilang record bilang “most-streamed group on Spotify.”   Noong nakaraang March 3, nagtala ng bagong record ang BTS sa Spotify. Umabot na sila sa 31.96 billion streams sa […]

  • “crazy Time%3A Прибыльная же Увлекательная Игра с Живым Дилеро

    “crazy Time%3A Прибыльная же Увлекательная Игра с Живым Дилером Играйте В Crazy Time На Реальные деньги Content Крейзи Тайм Игра На Деньги Pachinko Крейзи Тайм Слот Crazy Time Live — Краткая Информация Скачать Crazy Time что Такое Многоигровой Режим В Crazy Time%3F общей Стратегия Ставок в Crazy Time Всегда Помните про Бонусные Игры! раза Основные […]

  • Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano

    LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.   Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force […]