PBBM binati si Carlos Yulo matapos manalo ng gold medal sa 2024 Paris Olympics
- Published on August 5, 2024
- by @peoplesbalita
BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Pinoy gymnast Carlos Yulo matapos makuha ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Paris 2024 Olympics.
Pinuri si Yulo bilang unang Filipino male gold medalist para sa kaniyang performance sa floor exercise sa men’s artistic gymnastics.
“Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you!” pahayag ng Pang. Marcos Jr. sa kanyang social media post.
“I am confident that it will not be the last,” dagdag pa ng Pangulo.
Sa kabilang dako, nagpaabot din ng kanyang pagbati si First Lady Liza Marcos.
“Congratulations, Carlos Yulo!” mensahe ni First Lady Liza Marcos.
“Got goosebumps as Lupang Hinirang played at the arena! We are so proud of you!”
Nakasaad sa Republic Act 10699 or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act,” ang mga gold medalist sa international sports competitions ay tatanggap ng P10 milyon mula sa gobyerno, ang mga silver medalist ay makakatanggap ng P5 milyon, habang ang bronze medalists ay makakakuha ng P2 milyon. (Daris Jose)
-
Pambansang Ginoo lumabas ang pagiging pilyo: DAVID, nag-trending na naman dahil sa sagot na Ozawa sa ‘Family Feud’
KAAGAD na nag-trending ang hashtag na Maria Ozawa sa X (dating Twitter) dahil sa mga nakakalokang komento ng netizens. Ito kasi ang naging sagot ni David Licauco na tanong ni Dingdong Dantes sa GMA-7 game show na Family Feud noong Lunes, January 8, 2024, na dugtungan ang pangalang ‘Maria’. Ang tinaguriang Pambansang Ginoo […]
-
Certified hot momma talaga sa silver bikini: MAX, walang balak na tumigil sa paglantad sa kanyang alindog
NGAYONG Summer na, walang balak na tumigil si Max Collins sa paglantad ng kanyang alindog. Certified Hot Momma si Max sa suot silver bikini habang dinadama ang init ng araw sa Boracay. Nag-post si Max ng mga sizzling photo sa kanyang Instagram account at nilagyan niya ng caption na “island girl.” […]
-
P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP
INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic. Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan. Ipinaliwanag […]