PBBM, bitbit ang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng COVID-19 isolation
- Published on December 6, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na tuloy ang kanyang trabaho bilang halal na Pangulo ng bansa dahil bitbit niya ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng kanyang five-day isolation matapos na mag-positibo sa COVID-19.
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nag-positibo si Pangulong Marcos sa COVID-19 at pinayuhan ng kanyang doktor na gawin ang mandatory five-day isolation period.
“The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference. Updates on his health will be provided as available,” ayon sa PCO sa official Facebook page nito.
Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na patuloy na mag-ingat, bantayan ang kanilang kalusugan gaya ng pagpapabakuna at pagsusuot ng face masks sa matataong lugar.
Bago pa ito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Family Day celebration ng Office of the President nito lamang weekend. (Daris Jose)
-
‘Kapalaran’ ni GARY, bagay na bagay sa themesong ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kaya napili ni COCO
SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke. […]
-
BFAR atras muna sa imported fish ban
SINUSPINDE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes ang pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng salmon at pampano sa mga palengke at grocery na nakatakda sanang ipatupad sa Disyembre 4. Idineklara ang moratorium sa pagpapatupad sa Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195, na ang ibig sabihin […]
-
Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na
NANANAWAGAN ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19. “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]