• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa  state visit.

 

 

“I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

 

 

Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang makapulong niya sii Prime Minister Kishida sa New York sa sidelines ng UN General Assembly meeting.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na “Philippine government is “now talking” to the Japanese foreign service “as to when would be the most suitable time to come.”

 

 

Sa napipinto nitong pagbisita sa Japan, inaasahan na tatalakayin ni Pangulong Marcos ang usapin na pinag-usapan sa  New York noong Setyembre ng nakaraang taon  gaya ng regional security concerns at economic security.

 

 

“Well, the agenda will be what we — will be a continued discussion of what we started in New York which essentially centers around economic security because with the — Japanese have many concerns about regional security and we are seen, of course, the Philippines is seen as an important part of maintaining that security in partnership with friends and partners like Japan and the other countries around the Indo-Pacific, Asia-Pacific region,” ang wika ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na pag-uusapan din nila ang mga bagay na may kinalaman sa “aid and grants.”

 

 

Bago pa lumipad patungong Japan, pupunta muna si Pangulong Marcos sa Davos, Switzerland para magpartisipa sa  World Economic Forum sa huling bahagi ng buwan. (Daris Jose)

Other News
  • Kabayanihan ng SAF44 inalala sa paggunita ng Nat’l Day of Remembrance

    Ginugunita kahapon January 25, ang araw ng National Day of Remembrance para sa mga bayaning SAF44, inalala din ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihan ng mga nasawing police commando sa madugong enkwentro laban sa MILF nuong January 25,2015 sa Barangay Tukanalipao,Mamasapo,Maguindanao.     Target ng nasabing operasyon na tinwag na Oplan Exodus ang International […]

  • Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister

    MULING pinagtibay nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng  Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.     Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli.     Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio […]

  • Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud

    Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll  ng mga atleta at coaches.   Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.   Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]