• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, committed na gawing maayos ang buhay ng mga pinoy- Malakanyang

COMMITTED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maayos ng buhay ng mga filipino sa post-pandemic economy. 
Ang  pahayag  na ito ni Undersecretary Cheloy Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary ay  matapos lumabas ang isang survey na nagpapakita na mayorya ng mga filipino ang naniniwala na patungo sa tamang direksyon ang PIlipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa 4th quarter kasi  ng 2022 Tugon ng Masa survey,  85% ang sumagot at  nagsabi ng ‘Oo’ ; 6% ang nagsabi ng hindi at 9% naman ang hindi raw alam o tumangging sumagot sa tanong na “kung nasa tamang direksyon ba ang Pilipinas base sa mga inilahad at ipinatutupad na prog
“…The President is determined and committed to making the lives of all Filipinos better, with programs providing job opportunities and ease in doing business, and ensuring food security,” ang pahayag ni Garafil sa isang kalatas.
Sinabi pa ni Garafil na pinagtibay lamang ng survey na si Pangulong Marcos at administrasyon nito ay “all the right moves”  na pangunahan ang bansa sa economic transformation  mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemiya na bitbit ng Covid 19.
“These numbers represent Filipinos who, in their own personal lives, homes and workplaces, experienced the extraordinary difficulties the past two years have brought upon us all, and very well know the challenges we, as a nation, face in rising above these difficulties,” dagdag na wika ni Garafil.
Muling inulit naman ni Garafil ang panawagan ni Pangulong Marcos na magkapit-kamay sa pagtulong sa kanya na tiyakin na mas maraming filipino ang maiaangat ang buhay mula sa kahirapan.
“The President’s call for unity and cooperation is as resounding today as his administration works to fulfill his campaign promises to every Filipino, here and abroad,”  aniya pa rin.
Samantala, sinasabing 91% ng mga filipino sa Visayas ang nagsabing maayos na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansa habang 87% sa Balance Luzon at 84% sa Mindanao ang pareho ng paniniwala.
Nasa 70% naman ng mga Pilipino sa National Capital Region (NCR) ang naniniwalang nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng Marcos administration.
Kung pagbabatayan ang socio-economic classes, pinakamaraming nasa Class D o lower middle class ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa.
Ginawa ang survey noong OKtubre 23 hanggang 27 sa 1,200 indibiduwal, edad 18 pataas at may margin of error ang  survey na ±3 percent.
Base pa sa Octa Research, hindi kinomisyon ang nasabing survey kundi sariling kusa nila ito.
Other News
  • Hidilyn Diaz mas nakatuon ang atensyon sa SEA Games at Asian Games

    Nakatuon na lamang ngayon ang atensiyon ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa pagdepensa ng kaniyang titulo sa SouthEast Asian Games (SEA Games) at Asian Games 2022     Ito ay matapos na umatras siya sa 2021 World Weightlifting Championships na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17.     Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas […]

  • 4 tulak, nalambat sa Navotas drug bust, higit P.1M droga nasabat

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos mabingwit ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief […]

  • Ads February 10, 2021