PBBM deadma sa hirit ni ex-PRRD na ‘One Mindanao’ – Abalos
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos na ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Abalos, hindi na napag-usapan sa sectoral meeting kaninang umaga ang isyu ng one Mindanao kung saan, ang naging sentro ng talakayan ay kung paano mapapalakas ang kampanya sa cyber crime.
Muli namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang DOJ ukol dito. (Daris Jose)
-
Carly abala sa gym
KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers. Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang […]
-
Sa 1st Manila International Film Festival: PIOLO, malakas ang bali-balitang mag-uuwi ng Best Actor award
KASALUKUYANG nasa Amerika ngayon ang Kapamilya aktor na si Piolo Pascual. Ito ay kaugnay sa first Manila International Film Festival na kung saan kasama ang pelikula niyang “Mallari” Malakas ang ugong-ugong na mukhang si Piolo raw ang mag uuwi ng best actor award. Pero para sa mahusay na aktor ay sapat na raw […]
-
Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH
ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko. Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag […]