• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad ang mas maraming kasunduan sa Czech hinggil sa cybersecurity

HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming kasunduan sa Czech government pagdating sa cybersecurity at defense-industrial sector. 
Inihayag ng Pangulo ang mensahe niyang ito nang makipagpulong kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, Huwebes ng gabi, (Philippine time).
“We continue to pursue and explore the areas that we spoke about before. We, of course, talked about the defense and security and in that vein, we have just, the Armed Forces of the Philippines, as you know, is in the process of modernization of our capabilities and capacities,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We continue to explore also in terms of agriculture, cybersecurity, which is something that we spoke about very briefly, but now we put a little bit more, put a bit more meat on the bones of that initial discussion that we have had.” dagdag na wika nito.
Sa nasabing pagpupulong, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na makatrabaho ang like-minded countries sa Europe para pagtibayin ang isang rules-based international order.
Hangad din ng Punong Ehekutibo ang maraming kasunduan sa Czech para sa pagtatatag ng tanggulan para palakasin ang pagtutulungan sa seguirdad, defense-industrial at cyber security.
Pinag-usapan din nina Pangulong Marcos at Fiala na paigtingin ang pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, paggawa at climate change, at palakasin ang people-to-people ties sa pamamagitan ng turismo at university-to-university linkages.
Kahalintulad ng kanyang pakikipagtalakayan kay President Petr Pavel, nangako ang Pangulo nang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa gobyerno ng Czech upang masiguro ang maayos na deployment ng mga manggagawang Filipino kabilang na rito ang kanilang maayos na pagsasama sa kanilang mga lugar ng trabaho at komunidad.
Samantala, dumalo naman ang Pangulo sa working lunch na hinost ni Senate President Milos Vystrcil sa Senate of the Parliament kung saan kinilala niya ang kamakailan lamang na
 position pagpapalitan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic parliaments.
Bahagi namang working lunch si Philippine Senate President Juan Miguel Zubiri kasama si Vystrcil. (Daris Jose)
Other News
  • Anunsyo ni PBBM, wala ng ekstensyon sa deadline ng PUV consolidation

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala ng ekstensyon sa aplikasyon para sa consolidation ng indibidwal na public utility vehicle (PUV) operators na bumuo o sumali sa transportation cooperatives.     Matapos ang ilang ekstensyon, nito lamang huling bahagi ng Enero ay itinakda ni Pangulong Marcos ang bagong deadline para sa consolidation sa Abril […]

  • ‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

    Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.   Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani […]

  • MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay

    ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     “The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” […]