• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hindi pa nagtatalaga ng bagong Pagcor chief

HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

 

 

Ang paglilinaw ng Malakanyang ay kasunod ng ulat na di umano’y itinalaga na ni Pangulong Marcos si Atty. George Erwin Garcia para pamunuan ang Pagcor.

 

 

Itinatwa ni Press Secretary Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles ang balitang pagtatalaga kay Atty. Garcia.

 

 

“I would like the public to be informed that there is no truth to the statements being made on social media that a certain George Erwin Garcia has been appointed Pagcor chairman. No such appointment has been made,” ani Angeles sa isang kalatas.

 

 

Si Garcia, nagsilbing commissioner ng  Commission on Elections sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay itinalaga bilang Comelec commissioner noong Marso.

 

 

Nagkaroon  ng maikling panahon si Garcia sa  poll body  matapos na  i-bypassed ng Commission on Appointments  ang kanyang ad interim appointment noong nakaraang buwan.

 

 

Samantala,  nanumpa naman si Adelio Angelito Cruz bilang bagong  Chief of Presidential Protocol ng Malacañan Palace.

 

 

Ang  oath-taking ceremony, pinangunahan ni Pangulong Marcos ay isinagawa sa Study Room ng Palasyo ng Malakanyang,  base sa short video clip  na in-upload ng Radio Television Malacañang sa official Facebook page nito.

 

 

Bago pa ang kanyang bagong appointment, si Cruz ay  Philippines’ Consul General sa Los Angeles, California  mula 2016 hanggang  2021.

 

 

Nagsilbi rin  ito bilang chargé d’affaires of the Philippine Embassy sa Tripoli, Libya.

 

 

Gayundin, humawak din siya ng  iba’t ibang diplomatic postings sa Chicago, Abu Dhabi, at China. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Benilde rumesbak!

    BUHAY  pa ang College of Saint Benilde nang kubrahin nito ang 76-71 panalo kontra sa defending champion Colegio de San Juan de Letran para makahirit ng do-or-die Game 3 sa NCAA Season 98 men’s basketball finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Walang iba kundi si season Most Valuable Player (MVP) Will Gozum ang […]

  • Maynila lugmok sa utang!

    MALAKING problema sa susunod na administrasyon ng Maynila ang lugmok nitong kabuhayan at ang malaking utang sa mga lokal na bangko sa bansa.     “Nakalulungkot kasi po, napakaraming pera … pero umutang pa ang city hall ng mahigit sa P15-bilyon na ginastos sa mga maling priority. Sino ang hindi madidismaya sa economic condition ng […]

  • State of emergency sa hog industry, pinadedeklara ng DA

    Inirekomenda na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim ng buong bansa sa state of emergency dahil sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF).     Ayon kay DA Sec. William Dar, pangunahing dahilan ng deklarasyon ang lawak ng pinsala at epekto sa mga magbababoy.     Una nang iniulat […]