PBBM, hinikayat ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa, ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya
- Published on January 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba.
Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga deboto ng Holy Child na mapagtagumpayan at pasiglahin ang socio-economic growth sa kanilang lungsod at mas i-develop pa ang pagpapaunlad sa industriya sa Cebu.
“To the millions of devotees, I urge you to translate your faith into action so that you may spread the message of hope, love and joy to others. Most importantly, always pray for spiritual strength and fortitude to overcome whatever challenges and difficulties that may lie ahead,” ayon sa Pangulo.
“Looking forward, I ask all of you to work hand in hand with this administration in maximizing all of the opportunities that will come before us in this New Year,” dagdag na pahayag nito.
Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga deboto na mangyaring gabayan sila ng kanilang pananampalataya at inspirasyon ng bayanihan spirit para manatili ang kamalayan ng kanilang “Catholic at social obligations” para makamit ang hinahangad na tadhana tungo sa “Bagong Pilipinas that opens a better and more abundant life for all Filipinos.”
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati ang Pangulo sa mga Cebuano, nakiisa sa mga ito sa pagdiriwang ng Sinulog Festival, idinaraos tuwing buwan ng Enero upang ipakita ang kanilang debosyon sa Holy Child, Señor Sto. Niño.
Samantala, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang event bilang “one of the grandest and most colorful festivities in the Philippines” kung saan ang lahat ng mga Filipino anuman ang antas ng pamumuhay ay nagpapahayag ng kanilang labis na pasasalamat para sa mga himala, biyaya at hindi mabilang na tagumpay na ipinagkaloob sa kanila sa mga nakalipas na taon.
Para sa Pangulo, ito rin aniya ay isang “avenue to pray for good health, protection and prosperity in the year ahead.” (Daris Jose)
-
Nahulog sa motorsiklo, ginang pisak sa tanker truck
NASAWI ang 54-anyos na housewife matapos magulungan ng malaking tanker truck makaraang mahulog sa sinasakyang motorsiklo sa Valenzuela City, Linggo ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa katawa ang biktimang si alyas “Helen”, habang ligtas naman ang kanyang asawang si alyas “George” 57, kapuwa residente ng DM Compound, Heroes Del 96, Brgy., 73, Caloocan […]
-
TAKE A PEEK INTO THE WONDERFUL WORLD OF “WONKA” WITH FIRST OFFICIAL TRAILER
THE best things in life begin with a dream. Find out how the world’s greatest inventor, magician and chocolate-maker became the beloved Willy Wonka we know today. Starring Timothée Chalamet, “Wonka” opens in Philippine cinemas January 8, 2024. Watch the trailer. About “Wonka” Based on the extraordinary character at the center of “Charlie […]
-
PDu30, inirekomenda sa susunod na Pangulo na agad na simulan ang pagpapatawag ng constitutional convention
INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idedeklarang ika-labing pitong Pangulo ng Pilipinas na atupagin ang constitutional convention. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes ay sinabi ng Chief Executive na kailangan na talagang gawin ang nasabing hakbang at nakikita niyang may demand nang palitan ang konstitusyon. Sinabi nito […]