• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga magulang o guardians na pabakunahan ang mga maliliit o sanggol pa nilang anak.

 

Layon nito na maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng pertussis, polio, at tigdas.

 

Sa isang vlog, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng ‘affordable at accessible healthcare services’ sa mga Filipino lalo na sa mga bata.

 

Sinabi pa ng Pangulo na naglunsad ang Department of Health (DOH) ng isang vaccination drive, target na bakunahan ang mga bata sa kanilang unang 12 buwan.

 

“Tulungan niyo kami…kasi minsan ‘yung iba ayaw magpabakuna dahil natatakot sila baka hindi maganda ang bakuna, baka mas lalong masaktan ang bata. Hindi po. Lahat itong binibigay naming bakuna, tested po ito at ilang taon na ginagamit ‘yan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Kung meron kayong mga sanggol o maliliit na bata, dalhin niyo po. Meron na tayong vaccination program at ang pinakauna talaga na tinutulungan natin ay ‘yung first 12 months ng bata,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, layon ng DOH na kompletuhin na mabakunahan ang 95% mga batang Filipino laban sa vaccine-preventable diseases.

 

Sa nakalipas na taon, nagpakita ang immunization campaign ng gobyerno ng ‘improvement’, kung saan, sa wakas ay nakalabas na ang Pilipinas sa listahan ng ‘top 20 countries’ na may ‘most “zero-dose” children.’

 

Ang pakahulugan kasi ng World Health Organization (WHO) sa “zero-dose” na mga bata ay iyong hindi kailanman nabakunahana ang mga bata ng kahit na anumang bakuna, iyong “lack access to or are never reached by routine immunization services.”

 

Samantala, ang batang ganap na nabakunahan ay iyong nakatanggap ng isang dose ng bacille Calmette-Guérin (BCG) vaccine para sa tuberculosis; tatlong dose ng oral polio vaccine (OPV); tatlong dose ng diphtheria, tetanus, pertussis, Hib, at Hepatitis B (pentavalent) vaccine; at dalawang dose ng measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine.

 

Nakatakda namang ikasa ng DOH ang isang ‘nationwide school vaccination progrem” na tinawag na “Bakuna-Eskwela” sa darating na Oktubre 7, pinalawig nito ang National Immunization Program (NIP).

 

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa, lubos na suportado ni Pangulong Marcos ang NIP dahil nadagdagan ang budget nito at naging P2.3 billion para pondohan ang ‘vaccine acquisition at administration’ sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan

    KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology.     Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang […]

  • ‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

    PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.     Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantala ang mga may pakana sa online modus.     Kaugnay nito, […]

  • PBA, pinatawan ng 3-game suspension, P75-K multa si coach Tab Baldwin

    Pinatawan na ng PBA ng three-game suspension at ng P75,000 multa si Ateneo coach Tab Baldwin dahil sa binitawan nitong mga batikos sa liga, at sa mga referee at coaches. Ibinaba ni PBA Commissioner Willie Marcial ang parusa isang araw matapos ang pag-uusap nila ni Baldwin sa ginanap na conference call kasama ang mga opisyal […]