• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hiniling sa mga Pinoy na tumulong para makamit ang ‘Bagong Pilipinas’

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat Filipino na tumulong para makamit ng administrasyon ang minimithi nitong “Bagong Pilipinas.”

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga Filipino sa minimithing ito ng pamahalaan.

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinalabas araw ng Sabado, hinamon ng Punong Ehekutibo ang mga Filipino na pagsikapang tuparin ang kani-kanilang New Year’s resolutions.

 

 

Gaya aniya ng maraming Filipino, siya aniya ay mayroong ding New Year’s resolution na nais niyang gawin para sa self-improvement at pagbabago.

 

 

Kabilang na rito ang paglalaan ng mas maraming oras sa kanyang pamilya, panatilihin ang magandang kalusugan, magkaroon ng regular na ehersisyo para mabawasan ang stress para sa mas malakas na immunity, at mas maging “cool-headed” o mahinahon sa pagmamaneho.

 

 

“Pero siyempre, nangingibabaw sa ating New Year’s resolution ang mga mithiin natin sa bayan dahil marami pang kailangang gawin, marami pang kailangan pagandahin, at marami pang kailangan ayusin para naman tuluy-tuloy ang pagsulong natin tungo sa isang Bagong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Tinuran nito na ang pagkakasama ng indibidwal at komunidad ay kailangan para makamit ang nilalayon ng administrasyon.

 

 

Maliban aniya mula sa gobyerno, titiyakin niya, sa tulong ng mga Filipino, ang Bagong Pilipinas ay makakamit ng bansa sa pamamagitan ng “Bagong Pilipino,” Tinukoy ang kahalagahan ng New Year’s resolutions ng lahat.

 

 

“Filipinos could start with themselves and their families by observing punctuality, being more productive in their work, and spending prudently,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Kaya nga, hinikayat nito ang mga Filipino na paghusayin at i-develop ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro, matuto ng bagong teknolohiya, obserbahan ang personal grooming at self-discipline, at maging mabuting mamamayan at miyembro ng pamilya.

 

 

Habang pinagdiriwang ng bansa ang Community Development Day ngayong linggo, tinuran ng Pangulo na isa itong paalala para sa kahalagahan na paghusayin at I-develop ang lokal na komunidad.

 

 

“Sa mga susunod na linggo ay lalo niyo pang mauunawaan at mararamdaman ang ibig sabihin ng Bagong Pilipinas,” ang wika ng Punong Ehekutibo.

 

 

“Papaigtingin natin ang paghihikayat sa lahat na maging bahagi ng pagpapaganda ng ating barangay, siyudad, probinsiya, at ng buong bansa. Dahil walang Bagong Pilipinas kung walang Bagong Pilipino,” ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Megawide kinuha ng SMC upang gumawa ng bagong terminal building sa Caticlan airport

    KINUHA ng San Miguel Corp. (SMC) ang infrastructure-conglomerate na Megawide Construction Corp. upang sila ang mag develop ng Caticlan airport upang maging isang world-class na airport ito.       Ayon sa Megawide nakuha nila ang kontrata para gawin ang design at ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building sa Caticlan airport.     Ang […]

  • DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning

    Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd). “There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver […]

  • Binata kulong sa marijuana

    KALABOSO ang isang 21-anyos na binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Valenzuela City.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si John Azer Co, 21, ng 28 C. Palo Alto St. Brgy. Marulas.   Ayon kay Station Drug […]