PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan
- Published on February 13, 2023
- by @peoplesbalita
IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.
Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.
Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon ang kanyang official visit upang mailatag ang “blueprint” ng ugnayang Philppines-Japan sa pagbangon ng dalawang bansa sa epekto ng pandemya.
Sa kabilang dako, nakatakdang rebyuhin ng Pilipinas ang “tripartite agreement” sa dalawang kaalyadong bansa ang Estados Unidos at Japan.
Sinabi ng Pangulo, ‘maraming iba pang isyu” na ibinangon ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo ay ang pagpapatibay ng mga alyansa sa mga matagal nang kasosyo nito.
Sinabi ng chief executive na ito ay bahagi ng isang patuloy na proseso upang makagawa ng higit pang mapagtibay ang pakikipagtulungan at alyansa ng dalawang bansa.
Nauna nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang ugnayan ng depensa at seguridad ng Maynila at Tokyo. (Daris Jose)
-
Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters
Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic. Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic. Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]
-
Welder kulong sa ice pick at shabu sa Valenzuela
NABISTO ang dalang shabu ng isang 43-anyos na welder matapos masita ng mga pulis dahil sa bitbit nitong isang improvised ice pick sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong pagpabag sa Article 151 of RPC, PB6 at RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Malvin Malatamban ng Phase 2 Hambord St. Brgy. Lawa […]
-
Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya. Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”. Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta. Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]