• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, in-extend ang termino ni Police General Acorda bilang PNP CHIEF

IN-EXTEND ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang serbisyo ni  Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. hanggang Marso 31, 2024 bunsod na rin ng matagumpay na pamumuno nito sa  police force simula ng italaga noong Abril  ngayong taon.

 

 

“I wish to inform you that, pursuant to the provisions of existing laws, your service as Chief (Police General), Philippine National Police, is hereby extended until 31 March 2024,” ang nakasaad sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos  na naka-addressed kay Acorda.

 

 

Ipinaalam din kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abajos Jr.  ang bagay na ito sa pamamagitan ng transmittal letter, may petsang  Disyembre 1, 2023 at nilagdaan ni  Executive Secretary Lucas Bersamin, ang “extension of service” ni Acorda.

 

 

Ang PNP ay isang  attached agency ng  DILG.

 

 

Sa pagpapalawig sa serbisyo ni Acorda, tinukoy ng  Office of the President (OP) ang  Executive Order No. 136, series of 1999, “which recognized the power of the President to approve the extension of service of presidential appointees beyond the compulsory retirement age for exemplary meritorious reasons.”

 

 

Pinangunahan ni Acorda ang PNP sa layuning  ituon ang pansin sa mas epektibong police force gaya ng  Personnel Morale and Welfare, Community Engagement, Integrity Enhancement, ICT Development at Honest Law Enforcement Operations.

 

 

Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Marcos si Acorda bilang pang-29 na “top cop”  ng bansa sa isinagawang change of command ceremony sa Camp Crame, Quezon City noong Abril  24, 2023.

 

 

Iyon nga lamang, narating na ni Acorda ang 56-year-old compulsory retirement para sa PNP personnel noong Disyembre  3, 2023.

 

 

Si Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991. Nagsilbi siya sa PNP ng mahigit sa 37 taon. Siya ay naging director ng  PNP Directorate for Intelligence bago pa naging  hepe ng PNP.  (Daris Jose)

Other News
  • First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival

    ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.     Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy […]

  • 29k Mga Pinoy, nabakunahan na laban sa Covid-19

    TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Filipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.   Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”   Nakapagpadala na ang […]

  • 2020-2021 season ng MPBL tuluyan ng kinansela

    Kakulangan sa oras at kaligtasan ng mga manlalaro ang tanging dahilan kaya nagpasya ang Maharlik Pilipinas Basketball League (MPBL) na kanselahin na lamang ang kanilang 2020-2021 season.   Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, na kinuha nila ang suhestiyon ng maraming manlalaro at karamihan sa kanila ang nagsabi na hanggang walang bakuna laban sa coronavirus […]