• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inilunsad ang National Fiber Backbone Phase 1 sa iba’t ibang lalawigan kabilang ang Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paglulunsad ng National Fiber Backbone-Phase 1 (NFB-P1) sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes sa Sofitel Philippine Plaza Manila-Harbor Garden Tent, na matatagpuan sa South Parking CCP Complex on Roxas Blvd., Pasay City na naglalayong palakasin ang internet connectivity service capacity ng mga tanggapan sa pamahalaan na titiyak sa high-speed internet access sa buong bansa.

 

 

Sa inisyal na bahagi, mayroong 600 Gbps optical spectrum capacity and NFB na aabot sa may 14 na lalawigan sa Hilaga at Gitnang Luzon. Kabilang sa malawakang network na ito ang dalawang National Government Data Centers at apat na BCDA ecozones na kapag natapos ay makapagbibiay ng koneksyon sa may kabuuang 346 na nasyunal at lokal na tanggapang pampamahalaan na konektado sa GovNet.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang National Fiber Backbone ay ang una at tanging pag-aari ng pamahalaan sa bansa na mag-aalok ng digital connectivity sa mahigit 3,000 Free Wi-Fi Sites, na magpapagana sa may 750,000 na benepisyaryo sa Rehiyon I, III, at NCR na magkaroon ng direktang access sa internet.

 

 

“Even this early, we are assured that the NFB Phase 1 will already make a significant impact on our internet connectivity as well as in the day-to-day activities of ordinary Filipinos,” anang Pangulo.

 

 

Bilang isa sa mga benepisyaryo ng proyektong ito, sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na magbubukas ng mga oportunidad ang proyekto para sa mas maunlad na ekonomiya sa pamamagitan ng mas pinalawak na koneksyon at mas pinahusay na serbisyong pampubliko.

 

 

“On behalf of the people of our province and indeed the entire nation, I extend my heartfelt gratitude to our President Ferdinand Marcos, Jr. Through this project, we are we are increasing internet accessibility for citizens, businesses, and government institutions across the country, thereby reducing the digital divide. Magpapadali ito ng paghahatid ng mga serbisyong pampamahalaan gamit ang mga digital platform na abot-kamay ng mga mamamayan,” anang The People’s Governor.

 

 

Samantala, dinaluhan ang programa ng kinatawan ni US Ambassador MaryKay L. Carlson, DICT Secretary Ivan John E. Uy, Executive Secretary Lucas P. Bersamin habang sinamahan naman si Fernando nina Bise Gob. Alexis C. Castro, Provincial Information Technology Officer Inh. Rhea Liza R. Valero at Provincial Information Officer Katrina Anne S. Bernardo-Balingit.

Other News
  • Sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng (SALN) ng Pangulo

    TILA sinupalpal ng Malakanyang ang mga nagnanais na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ininguso at itinuro ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga ito na magpunta ng Ombudsman at doon humingi ng kopya.   Ito’y sa kabila ng nagpalabas na ang ahensiya […]

  • Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

    MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat […]

  • Gilas Pilipinas target pa rin na makuha si Kai Sotto sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers

    TARGET ng Gilas Pilipinas na makasama si Kai Sotto para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.     Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Basketball Australia para hiramin si Sotto.     Nasa ikalawang taon na kasi si Sotto sa Adelaide […]