PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may uniform rate na hindi lalagpas sa P20,000 para sa executive department personnel.
Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders na naglalayong magbigay ng service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado sa executive department at maging one-time rice allowance sa lahat ng government employees para ngayong taon.
Ang mga ‘entitled’ na makatatanggap ng nasabing insentibo ay ang civilian personnel sa national government agencies (NGAs), mga nasa state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual employees, mga miyembro ng military at kapulisan at maging ang fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ang mga tauhan naman mula sa Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ay entitled din na makakuha ng service recognition incentive.
Base sa kautusan ng Pangulo, ang mga empleyado ng dalawang Kapulungan ng Kongreso, Hudikatura, Office of the Ombudsman at Constitutional offices ay mabibigyan din ng one-time SRI ng kani-kanilang ‘heads of offices’ na may uniform rate na hindi lalagpas ng P20,000.
Ang mga empleyado sa local government units (LGUs), kabilang na ang mga nasa barangay, ay maaaring makatanggap ng insentibo depende sa financial capability ng LGU, “subject to limitation” sa LGU budget sa ilalim ng Local Government Code of 1991.
Ang insentibo naman para sa NGAs, SUCs, at military at uniformed personnel ay popondohan ng available na ipinalabas na Personnel Services (PS) allotment sa ilalim nh Republic Act No. 11639 o 2022 national budget.
Samantala, nagpalabas din si Pangulong Marcos ng kautusan na nagbibigay kapangyarihan na magbigay ng one-time rice assistance sa mga government personnel.
“Those who are entitled to receive the rice subsidy include civilian personnel in NGAs, including those in SUCs, GOCCs, government financial institutions (GFIs), government instrumentalities with corporate powers, and government corporate entities occupying regular, contractual or casual positions,” ayon sa kautusan.
“Military, police, fire and jail personnel are also entitled to receive the rice assistance,’ ayon sa ulat.
Makatatanggap din ng suporta ang mga empleyado ng Bucor, PCG, at NAMRIA.
“The order also authorizes the release of the assistance to individuals and groups of people whose services are engaged through job orders (JO), contracts of service (COS) or other similarly situated working arrangement defined under a Commission on Audit’s circular order,” ayon sa ulat.
Ang rice assistance para sa NGAs, military at uniformed personnel ay popondohan ng Contingent Fund sa ilalim ng R.A. No. 11639.
Para sa GOCCs, ang pondo ay huhugutin mula sa kani-kanilang inaprubahang operating budgets para sa fiscal year 2022. (Daris Jose)
-
Ukrainian refugees na umalis na sa bansa, papalo na sa 3-M
PAPALO na sa tatlong milyon ang bilang ng mga Ukrainian refugee na umalis sa kanilang bansa, sa loob ng tatlong linggong pakikipagdigma ng Ukrain dahil sa pagsalakay ng Russia. Sa datos ng UN Refugee Agency (UNHCR), nasa 2.97 milyon na mga tao na ang nakakalikas mula sa Ukraine at sinasabing posible pang tumaas […]
-
PBBM, ipinamigay ang nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay. Bahagi ito ng pagtupad ng Pangulo sa kanyang pangako na tugisin ang rice smugglers at hoarders sa bansa. Pinangunahan din ng Pangulo ang turnover ng iba pang tulong sa […]
-
PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan
BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang kakaibang katapangan at giting sa pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan. Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]