PBBM, isiniwalat ang government measures para kontrolin ang presyo ng elektrisidad
- Published on May 1, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang plano at estratehiya ng gobyerno para patamlayin ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand ng elektrisidad.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Pikit, Cotabato, na walang artificial crisis sa power sector. Ang meron aniya ang bansa ay ang power system overload dahil sa dry spell.
Patuloy na mino-monitor ng gobyerno ang situwasyon dahil sa pagsirit ng demand, sinabi ng Pangulo, ang pagbibigay katiyakan sa mga tao na gagawin ng gobyerno ang lahat at isakatuparan ang mga hakbang para kontrolin ang presyo ng elektrisidad.
“Ang naging consumption natin biglang tumaas talaga dahil napaka init. Kaya’t nakabantay kami ng husto. Kaya naman nagkakaroon ng problema sa mga iba’t ibang sistema kaya namin tinututukan,” ang winika ng Pangulo.
“At ‘yung pagtaas ng [presyo]— mayroon kaming mga plano, mga strategy para hindi na magtaas ng presyo ng kuryente. At least for now, in this crisis time,” aniya pa rin.
Isa sa itinutulak ayon kay Pangulong Marcos ay ang hikayatin ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magtayo ng transmission lines na ipinangako nito para palakasin ang “much-needed electricity” lalo na sa mga lugar na hindi konektado sa grid.
Samantala, ang Pangulo ay nasa Cotabato para pangunahan ang inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II (MMIP II). (Daris Jose)
-
Bb. Pilipinas International HANNAH, nagpasalamat sa ex-boyfriend na si MARLO na palaging nakasuporta
DAHIL sa pinost ni Marlo Mortel sa kanyang Instagram account na throwback pictures nila ng bagong crowned na 2021 Binibining Pilipinas International na si Hannah Arnold at may caption ito na, “So proud of this one! Hard work, dedication and a compassionate heart truly pays off. From this pic last 2015, I’ve seen how you’ve grown to become […]
-
Sa Los Angeles na ipu-pursue ang singing career… JAMES, naging emosyonal ang paggo-goodbye at pinabaunan ng ‘goodluck’ ng netizens
NAGING emosyonal ang paggo-goodbye ni James Reid sa kanyang pamilya na naghatid sa airport dahil tuluyan itong umalis ng bansa at papunta ng Los Angeles. Binigyan din siya ng farewell party ng mga kaibigan dahil nagdesisyon na nga si James na I-pursue ang career sa Amerika, particular na sa kanyang international collabs sa […]
-
DILG binalaan si Gov. Garcia, mahaharap sa legal action kapag itinuloy ang optional mask EO
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawa sila ng legal action laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia kapag itinuloy nito ang pagsuway sa mask mandate ng gobyerno sa gitna ng coronavirus pandemic. “Ganun ang mangyayari diyan. Kapag patuloy nila yan gagawin at nagkakaroon na talaga tayo ng injury, […]