PBBM, itinalaga si Imelda Papin bilang acting member ng PCSO board
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Nanumpa sa kanyang tungkulin si Papin sa harap ni Pangulong Marcos, araw ng Martes, Hunyo 4.
Matatandaang, buwan ng Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin.
“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, ‘Hintay-hintay ka lang!’” natatawa niyang pahayag.
“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti.”
Samantala, sinasabing malapit si Papin sa pamilya Marcos, kaya’t posible na maitalaga siya sa anumang posisyon sa gobyerno. (Daris Jose)
-
Scott Eastwood Reprises His Role As ‘Little Nobody’ In The Upcoming ‘Fast and Furious 10’
SCOTT Eastwood is returning to The Fast Saga, reprising his role as Eric Reisner a.k.a. Little Nobody in Fast & Furious 10. Also known as Fast X, the tenth film in the main franchise is currently in production after a brief but significant snafu regarding its filmmaker. Director Justin Lin, who returned to […]
-
Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games
AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13. “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]
-
COVID-19 vaccines para sa kapulisan, sapat- Sec. Roque
SINIGURO ng Malakanyang na sapat ang COVID-19 vaccines para sa kapulisan. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na karapat-dapat naman na kilalanin ang mga law enforcement agents sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sinabi niya sa pagbabakuna ng police personnel […]