PBBM, itinalaga si Isidro Purisima bilang acting Presidential Peace, Reconciliation, and Unity adviser
- Published on February 23, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY ang ginagawang pagpupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno.
Sa katunayan, itinalaga nito si Isidro Purisima bilang acting Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (PAPRU).
Magiging acting head siya ng OPAPRU o Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Papalitan ni Purisima si Carlito Galvez Jr., na kamakailan lamang ay itinalaga bilang Kalihim ng Department of National Defense.
Bago pa ang kanyang naging appointment, si Purisima ay naging presidential assistant for Local Conflict Transformation and Peace Sustainability ng OPAPRU.
Samantala, ang iba pang appointees ay sina Wilben Mayor bilang Presidential Assistant 1 para sa OPAPRU; Valerie Joy Brion bilang Executive Director 5 para sa Commission on Filipinos Overseas; Gabriel Lagamayo bilang Acting Administrator at miyembro ng Dairy Industry Board, National Dairy Authority; Domingo Bartolome Gonzaga bilang Director II ng National Meat Inspection Service; Julieta Opulencia bilang Deputy Executive Director 3 ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries at Senando Santiago bilang Acting GM at CEO at miyembro ng board of directors ng Laguna Lake Development Authority.
Itinalaga rin sina Virginia Oroco bilng Acting member representing agrarian reform beneficiaries ng board of directors ng Landbank of the Philippines; Emerico De Guzman bilang miyembro, kumakatawan sa employer sector ng National Tripartite Industrial Peace Council at Flora Bonales bilang Director 4 ng Department of Trade and Industry (DTI). (Daris Jose)
-
DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools ‘dahil sa halalan’
SUSPENDIDO ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd). “Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022,” paalala ng Kagawaran sa publiko, […]
-
“Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas
Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic. Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking. Batay sa Department of Social Welfare […]
-
DOH: COVID-19 holiday surge hindi pa nalusutan, paglobo ng kaso baka ‘mid-January’
Kahit na mababa ang mga naitatalagang bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong mga nagdaang araw, hindi nangangahulugang nalusutan na ng Pilipinas ang paglobo ng mga kaso dahil sa nakaraang Kapaskuhan at Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH). Binabantayan kasi ng gobyerno ang biglaang pagsipa ng mga kaso dahil sa kaliwa’t […]