PBBM, itinalaga si Taw Lawyer Romeo Lumagui Jr. bilang BIR Commissioner
- Published on November 17, 2022
- by @peoplesbalita
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Romeo Lumagui Jr. bilang commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Si Lumagui, isang tax lawyer ay nanumpa sa kanyang tungkulin, araw ng Martes, Nobyembre 15.
Bago pa itinalaga si Lumagui sa kanyang posisyon ngayon ay nagsilbi muna siya bilang deputy commissioner ng BIR.
Naitalaga rin si Lumagui sa iba’t ibang puwesto at tungkulin gaya ng “technical assistant to the commissioner, at tax fraud head” para sa Revenue Region No. 6, Manila, Revenue Region No. 4, Pampanga, at Revenue Region No. 7B, East NCR.
Itinalaga rin siya sa “project management at implementation service,” na ang tungkulin ay “develops and oversees the implementation of the overall reform or modernization program of the BIR.”
Pinamunuan naman ni Lumagui ang ilang task forces para palakasin ang koleksyon gaya ng Assets Recovery Task Force, kung saan ang kabuuang koleksyon ay umabot sa P833.69 million, at Task Force on Direct Selling/Multi-Level Marketing and Investment Scams, kung saan ang assessments ay may kabuuang P792.56 million, kapuwa sa loob lamang ng isang taon. (Daris Jose)
-
PDU30, duda na nage-expire ang face shield
DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields. Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.” Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang […]
-
Ads October 9, 2020
-
Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches
Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo. “We would like […]