PBBM kay Vince Dizon: Gawing madali ang buhay ng mga mananakay
- Published on February 21, 2025
- by Peoples Balita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang newly appointed na si Department of Transportation Secretary Vivencio ”Vince” Dizon na gawing madali ang buhay ng mga mananakay.
”Welcome aboard, Secretary Vince Dizon! We’re set to enhance physical connectivity and make life easier for the commuting public. Let’s get it done!” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.
Nauna rito, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang oath of office ni Dizon, na pinalitan si dating DOTr chief Jaime Bautista.
Si Dizon nagsilbi noon bilang Pangulo ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasagsagan ng pandemiya, nagsilbi si Dizon bilang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Samantala, ipinag-utos ni Dizon sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng cashless toll collection sa lahat ng expressways, epektibo Marso 15, sabay sabing ang episyente ng automated toll collection ay dapat na sinusuri muna. (Daris Jose)
-
Isabela muling maghohost ng Patafa Open
ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela. “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]
-
Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan
ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod. […]
-
Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic
Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic. Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa. […]