PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho
- Published on December 1, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.”
Sa isang pagpupulong sa State Dining Room, ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang paglikha ng executive order ukol sa probisyon ng guidelines na magpapabilis sa pagpo-proseso ng permit para sa strategic investments sa bansa at ang paglikha ng Green Lane.
Binibigyang mandato ng EO ang mga kinauukulang tanggapan na magtatag ng Green Lane, para “expedite and streamline the process and requirements for the issuance of permits and licenses, including resolutions of issues concerning strategic investments.”
“Malaking bagay ‘yun. That will address immediately ‘yung tinatawag na ease of doing business na laging nirereklamo sa atin,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Until we get to change the procedures… and to say that… baka ito hindi na kailangan, baka ito extraneous na ito, ito obsolete na ito, ganyan. You cut it down as much as we can,” dagdag na wika ng Pangulo.
Binibigyan din nito ng mandato ng EO ang national government agencies at local government units na kaagad na gawin ang permit o license application na hindi lalagpas ng three working days sa kaso ng simpleng transaksyon; seven working days naman sa kaso ng complex transactions, at 20 working days para sa highly technical transactions mula sa “date of receipt.”
Kabilang naman sa strategic investments na kinilala ng DTI ay ang mga proyekto ng national significance, highly desirable projects na in-endorso ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at FDIs na inendorso ng Inter-Agency Investments Promotion Coordination Committee (IAIPCC) o priority projects o activities sa ilalim ng Strategic Investment Priority Plan (SIPP), kinukunsidera bilang mga proyekto ng national significance o highly desirable na maaaring ie-endorso ng Board of Investments (BOI) of the concerned Investment Promotion Agencies (IPAs).
Sinabi ng Malakanyang na ang technical working group na pamumunuan ng BOI ng DTI ang siyang magpapatupad ng EO at isang BOI-Investment Assistance Service (BOI-IAS) ang magsisilbing “single point of entry ng investment na maga-avail ng Green Lane services na inendorso bilang nationally significant o highly desirable projects.
Ang hindi pagsunod sa probisyon ng EO ay ground o batayan para sa administrative at disciplinary sanctions laban sa kahit na sinumang delingkuwenteng public officer o empleyado, nakasaad sa ilalim ng umiiral na batas at regulasyon.
Other News
-
Ads December 3, 2024
-
Para-athletes ng bansa handa sa pagsabak sa Tokyo Paralympics
Wala pa ring papayagang manood ng Tokyo Paralympic games. Magsisimula kasi ito ngayong araw hanggang Setyembre 5. Tiwala si Philippine chef de mission Francis Diaz na mamamayagpag muli ang mga pambato ng bansa. Mula kasi sa dating anim na kalahok ng bansa ay naging lima na lamang dahil sa […]
-
US golf star Tiger Woods sasailalim muli sa operasyon
SASAILALIM sa panibagong operasyon si American golf star Tiger Woods. Sinabi nito na sa mga susunod na araw ay sasailalim siya sa microdecompression surgery para ayusin ang mga nerve issue sa kaniyang lower back. Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang mga buwan sa mga torneo na kaniyang sinalihan ay […]