• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, maaaring payagan ang rice imports sa mas mababang tariff rate sa ilalim ng bagong Agri law

MALAKI ang posibilidad na payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-angkat ng bigas sa mas mababang

 

 

 

Ini-apply na tariff rate sa panahon ng anumang nalalapit o hinuhulaang kakapusan o anumang sitwasyon na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno.

 

 

 

Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 120278 o Amendments to Agricultural Tariffication Act.

 

 

 

Ayon sa Seksyon 9 ng bagong batas, nagsasaad ng kapangyarihan ng Pangulo, ipinahihiwatig na sa bawat kaso ng pambihirang pagbagsak sa local rice prices, maaaring suspendihin ng Pangulo ang rice imports para sa limitadong panahon at/ o dami hanggang ang suplay ng bigas at presyo ay maging matatag.

 

 

 

”Such order shall take effect immediately and can only be issued when Congress is not in session,” ang nakasaad sa batas.

 

 

 

Sinasabing, pinalawak ng bagong batas ang buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031. Ang pondo ay huhugutin mula sa taripa na makokolekta mula sa rice importation.

 

 

 

Idagdag pa, ang pagtaas sa annual allocation sa RCEF ay magsisimula mula sa kasalukuyang P10 billion hanggang P30 billion hanggang sa 2031.

 

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na sa pamamagitan ng RCEF, nagawa ng bansa na mag-invest sa ‘high-quality seeds, mechanization, at pagsasanay ng mga lokal na magsasaka, isang hakbang na magga-garantiya na may taglay ang mga ito ng tamang kasanayan at gamit para itaas ang productivity.

 

 

 

”With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program. And this is where this law comes in, extending the program to 2031, and significantly increasing its funding from the original P10 billion to P30 billion annually,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa ceremonial signing.

 

 

 

Samantala, palalakasin din ng bagong batas ang regulatory functions ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapanatili ng database para i-monitor ang rice reserves ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Eala naka-2 Grand Slam titles na

    Muling iwinagayway ni Alex Eala ang bandila ng Pilipinas sa world stage matapos masikwat ang girls’ doubles title sa prestihiyosong French Open na ginaganap sa Stade Roland Garros sa Paris, France.     Nakatuwang ni Eala si Russian partner Oksana Selekhmeteva kung saan matikas na pinataob ng dalawa sina Russian Maria Bondarenko at Hungarian Amarissa […]

  • Vice President Sara nagbabala sa solicit scam

    NAGPAALALA sa publiko si Vice President Sara Duterte laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera.     “Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya.     Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga […]

  • Yorme Isko Moreno naglunsad ng no-contact traffic apprehension scheme sa Maynila

    Naglunsad ng no-contact traffic apprehension si Mayor Isko Moreno na ipatutupad sa mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Maynila na ginawa sa intersection ng President Quirino Avenue at Taft Avenue noong nakaraang Dec.9.   Nagbigay ng babala si Moreno sa lahat ng motorista na magmaneho ng ligtas at kapag nahuli sila sa mga surveillance cameras […]