• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, muling pinagtibay ang suporta para sa mga tauhan ng AFP

MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang suporta para sa mga uniformed members ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng tuloy-tuloy na ‘tsismis” na destabilization plot laban sa kanyang administrasyon sa loob ng military at Philippine National Police.

 

 

Ang posisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ipatawag niya at makapulong sina AFP Chief of Staff Romeo Brawner at commanding officers ng “3 branches of services” ng military sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Present sa nasabing pulong si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda at Iba pang top police officials ng bansa.

 

 

Nauna rito, inanunsyo ng Pangulo na inaprubahan na niya ang “a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support.”

 

 

Samantala, makailang ulit namang itinanggi ng AFP at PNP ang nasabing ‘tsismis” na ang miyembro ng mga ito ay nagpa-plano ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Excited na rin sa kanilang Christmas vacation: KIM, gustong mapanood si XIAN na mag-direk pero ‘di pinapayagang dumalaw

    NATUWA ang mga fans ni Kapuso actor Tom Rodriguez, nang mag-post ang manager niyang si Popoy Caritativo ng “see you soon!”     Dahil very active na rin muli si Tom sa kanyang Instagram, marami ang nag-post ng comments na natutuwa sila kung magbabalik na muli si Tom sa pag-arte dahil nami-miss na nila ang […]

  • Posibleng magpatupad ng price cap sa swab test

    MALAKI ang posibilidad na magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa  RT-PCR o swab tests para sa  COVID-19.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque  na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng  isang  executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests.   “I don’t think it is impossible for him […]

  • Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

    ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.     Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag […]