• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng magpatupad ng price cap sa swab test

MALAKI ang posibilidad na magpatupad si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng price cap sa  RT-PCR o swab tests para sa  COVID-19.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque  na hindi posibleng magpalabas si Pangulong Duterte ng  isang  executive order na magre-regulate ng presyo ng swab tests.

 

“I don’t think it is impossible for him to issue this executive order. Alam ko po may mga nagnanais sa inyo bagama’t non-profit kayo na kumita; huwag naman po,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tinukoy nito ang naunang pagpapalabas ng Pangulo nang  pagtatakda ng  maximum retail price sa ilang medisina.

 

“Ibigay na po natin sa taumbayan iyong benepisyo ‘pag kayo po’y nakatanggap ng libreng makina galing sa gobyerno at sa pribadong sektor o mga libreng mga testing kits. Iyon po talaga ang pangunahing pamamaraan para mapababa po ang halaga ng testing,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, nais ng Department of Health na magkaroon ng price ceiling sa presyuhan ng mga Covid -19 testing sa bansa.

 

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, nagsumite na ang DOH ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte para maglabas ito ng isang executive order para sa regulasyon ng presyo ng mga swab testing.

 

Napansin din kasi aniya ng DOH ang malaking diperensya ng presyuhan ng mga swab test sa iba’t ibang laboratoryo sa bansa.

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na kailangan ng isang executive order mula sa Pangulo para maregulate ang bayad sa swab testing dahil sa ngayon ay mga gamot pa lamang ang saklaw ng batas para sa price ceiling.

 

Para naman matukoy ang posibleng maging price range ng swab testing, magsasagawa ang DOH ng mga survey.

 

Bukod ito makikipag-ugnayan din sila sa mga eksperto at maging sa Department of Trade and Industry para rito.

 

Sa ngayon ay naglalaro sa mahigit 3 libong piso pataas ang presyuhan ng swab testing depende sa mga ospital, laboratoryo o iba pang health institution.

 

Samantala, kinukunsidera naman ng medical experts ang RT-PCR test bilang gold standard para sa  confirmatory testing dahil nade-detect nito ang virus na dahilan ng  COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque

    MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]

  • US at Canada naghahanda na sa pagtama ng snow storm

    MARAMING  flights ang nakansela at maraming residente ng US at Canada ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa banta ng winter storms.     Nagdeklara na rin ng state of emergency ang Virginia, Georgia, North at South Carolina dahil sa nasabing sama ng panahon.     Babala ng US National Weather Service (NWS) na […]

  • Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga Manilenyo

    NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami […]