PBBM, nagpositibo sa antigen test sa Covid-19
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPOSITIBO sa antigen test para sa Covid-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na may bahagyang lagnat ang Pangulo ngayon subalit “he’s okay.”
Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa Pangulo na obserbahan ang kanilang sarili kung may sintomas sila ng covid bilang bahagi ng protocol.
Hinggil naman sa iskedyul ng Pangulo para ngayong araw, sinabi ni Sec. Cruz-Angeles na si Executive Secretary Vic Rodriguez ang dumalo sa meeting/ briefing hinggil sa usapin ng security, ” on behalf of the President.”
Hindi naman aniya makadadalo ang Pangulo sa ika- 246 anibersaryo ng US Independence sa US Embassy ngayon.
Gayunman, makadadalo naman ito virtually at makapagbigay mensahe sa League of Governors and Mayors meeting ng mga opisyal mamayang gabi.
“This part of the continuing campaign for series of vaccinations and booster shots in preparation for the face to face opening of classes this school year,” ayon kay Sec. Cruz-Angeles.
Aniya pa, ang meeting ay may orihinal na plano na mayroong dinner subalit inalis upang maipigilan ang mga opisyal na m
Ang Department of Interior and Local Government (DILG) at si DILG at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang nakatakdang magsagawa ng presentasyon mamayang gabi.
Samantala, negatibo naman sa covid 19 test si Ilocos Norte’s 1st district Rep. Sandro Marcos habang ang First Lady naman si Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos at mga anak na sina Joseph Simon Araneta Marcosat William Vincent Araneta Marcos ay nasa- out of town at hindi na-expose sa mayroong covid.
Dahil dito, hinikayat aniya ni Pangulong Marcos ang lahat na magpabakuna. (Daris Jose)
-
12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon
PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City. Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]
-
Babalik agad dahil sa bagong serye: BARBIE at DAVID, nasa South Korea na para mag-shoot ng movie
NAKAALIS na today, May 22 sina Barbie Forteza at David Licauco, papunta sila sa South Korea, to shoot a movie. Ayon ito sa report ni Lhar Santiago sa “24 Oras”. The Sparkle stars are doing a romantic comedy film titled “That Kind of Love,” na iri-release not only in the Philippines but also […]
-
Honasan inabswelto sa pork barrel scam
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam. Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption […]