PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference
- Published on July 14, 2022
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.
HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa Presidential Guest House dahil patuloy siyang nasa isolation matapos na magpositibo sa COVID-19 testing noong nakaraang linggo.
Bumuti naman ang kalusugan ng Pangulo at siya ay “is on his way to a complete recovery,” ayon sa doktor nito, araw ng Lunes.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naging paksa na tinalakay sa meeting na nagsimula alas-9 ng umaga ay ang “2023 national budget, “Build, Build, Build” at ang infrastructure convergence programs, at maging ang priority transportation programs and projects.”
Ang inisyal na plano ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay napag-usapan din.
Matatandaang, nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting si Pangulong Marcos noong Hulyo 5. (Daris Jose)
-
Pagtapyas sa taripa sa rice imports, pinag-uusapan na- Diokno
PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports habang naghahanap ng “the greatest good for the greatest number.” Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang tinitingnan bilang bahagi ng“comprehensive strategy” para tapyasan […]
-
PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’
Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the […]
-
Bentahe ang teritoryo: Brandon Vera, idedepensa ang titulo sa
NAKATAKDANG idepensa ni Filipino-American mixed martial arts fighter Brandon Vera ang kaniyang ONE heavyweight world title laban kay Canadian athlete Arjan Singh Bhullar na gaganapin sa Mayo 29 sa Mall of Asia Arena. Si Vera ang babandera sa “ONE Infinity 2” kung saan kasama niya si ONE World lightweight champion Christian Lee, na haharap […]