• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakikita ang progreso sa “fishing talks” sa pagitan ng Pinas at China

MAY nakikitang progreso si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “fishing talks” sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng kamakailan lamang na ulat na may isang Chinese navy vessel ang bumubuntot sa BRP Francisco Dagohoy mula Pag-asa Island at pabalik ng Palawan.

 

 

Ang nasabing insidente ay nangyari noong Biyernes, June 16,2023.

 

 

Sa isang ambush interview sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na ang latest na report ay sinundan na lang ng Chinese navy vessel ang BRP Francisco Dagohoy kung saan hindi kagaya dati na hinaharang nito ang mga Filipino na mangingisda.

 

 

“So, there’s a little progress there,” ayon sa Pangulo.

 

 

Idinagdag pa ng Pangulo, “Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) has even projected bigger haul for Filipino fishermen due to the improved situation in the area.”

 

 

“That is because we are continuing to talk to the Chinese government, President Xi [Jinping], in every way,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Winika pa nito na nang makipagpulong siya kay  Xi nito lamang Enero ng kasalukuyang taon,  nakatuon aniya siya sa usapin ng pangingisda sa halip na territorial dispute hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

“Ang inuna ko talaga noong kami ay nagkita, unahin na lang natin ‘yung ating fisheries. Huwag na natin pag-usapan ‘yung teritoryo dahil hindi naman tayo makakapag-decide ngayon dito na nag-uusap tayo. Unahin natin ‘yung mga fisheries, dahil sinasabi ko, wala namang kasalanan ang mga tao bakit natin paparusahan,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • 2 kapwa akusado sa US ni Apollo Quiboloy pumayag sa plea agreement

    PUMASOK na sa plea agreement ang dalawa pang-kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa US.   Ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC)member na sin Gia Cabactulan, at Amanda Estopare ay pumayag na pumasok sa plea agreement.   Sila ang nahaharap sa kasong ‘visa-fraud’ dahil sa pekeng pagpapakasal at pinipilit ang mga miyembro […]

  • PBBM, suportado ang ‘Matatag Curriculum’ ng DepEd

    NAGPAHAYAG ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  para sa “MATATAG Curriculum” ng Department of Education (DepEd).     Sinabi nito na ito’y  mahalagang programa na akma sa mga mag-aaral na Filipino.     “This is very significant because…sinusubukan nating gawin at ayusin ang curriculum para mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino,” […]

  • Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA

    TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan.     Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta […]