PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community
- Published on October 4, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang economic recovery post-COVID-19 ng bansa.
Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado, sa mga opisyal ng FFCCCII sa Malacañang Palace, araw ng Biyernes, Setyembre 30.
“We thank our friends from the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. for meeting with us yesterday and for sharing their ideas to speed up our country’s economic recovery from the pandemic,” ayon sa Pangulo.
Nagpasalamat naman ang Chief Executive sa Filipino-Chinese business leaders para sa agarang pagtugon sa kanyang “whole-of-nation approach” sa COVID-19 economic recovery.
“We are pleased they have eagerly responded to our call for a whole-of-nation approach to addressing this immense and arduous task,” ang wika ng Pangulo.
Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapagpapalabas ang Pangulo at ang Malakanyang ng detalye ukol sa pulong. (Daris Jose)
-
Simon isinabit na ang playing jersey
DAHIL sa paglagay na ng Magnolia Chicken sa kanya sa unrestricted free agent, ipinasya ni Peter June ‘PJ’ Simon na magretiro matapos ang 17 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA). Para tipid, sa social media na lang pinarating ng beteranong basketbolista ang kanyang saloobin. Iginiit ng 40 taong-gulang, may taas na 5-11 […]
-
PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque
TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli […]
-
Valenzuela LGU nagbigay ng 4 motorcycle patrols sa Barangay Parada
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng karagdagan apat na unit na mga bagong motorcycle patrol sa Barangay Parada para magamit nila sa pagpapatrulya sa kanilang nasasakupan. Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pormal na pagturn-over ng naturang mga motorcycle patrol kay Barangay Parada Punong Barangay John Ajero na ginanap sa 3S Center, […]