PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila
- Published on September 27, 2023
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte ng nakumpiskang smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes.
“Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – ang mga bitbit po naming mga bigas ngayon ay mula sa mga nakumpiskang supply sa Zamboanga Port, na napatunayang hindi dumaan sa legal na proseso ng importasyon,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang bawat benepisaryo ay nakatanggap ng 25 kilo ng bigas, bahagi ng 42,180 sako ng smuggled rice na nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang bodega sa Brgy. Baliwasan, Zamboanga City na sa kalaunan ay dinonate (donate) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Winika ng Pangulo na mas mabuti na ipamahagi ang bigas sa halip na masayang ito.
Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga benepisaryo na ang nasabat na bigas ay dumaan sa legal proceedings bago pa ito ipinamahagi sa kanila.
Sa kabilang dako, muli namang inulit ng Pangulo na may sapat na suplay ng bigas sa Pilipinas.
“Sapat ang supply ng bigas dito sa Pilipinas. Ang kailangan lamang po ay ang maayos na pamamahala ng produksyon at bentahan nito,” anito.
Inihalintulad naman ng Pangulo ang smugglers, hoarders, at price manipulation bilang “bukbok” (grain weevil) na sumisira sa balanseng suplay ng bigas at presyo sa merkado.
“Ang bukbok na lubos na sumisira sa balanse ng supply at presyo ng bigas sa merkado [ay] ang hoarding at saka ang smuggling, at price manipulation na ginagawa ng mapagsamantalang mga negosyante,” aniya pa rin.
Giit ng Chief Executive, ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap at walang puwang sa lipunan at bansa.
“Sa Bagong Pilipinas, hindi na po ito puwede… Inaatasan ko ang lahat ng mga opisyal, otoridad, at mga ahensya na higpitan nang husto ang pagpapatupad ng polisiya at batas hinggil sa isyu ng bigas,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
“Sa Bagong Pilipinas, bawal ang smuggler, bawal ang hoarder, at bawal din ang mga mapang-abuso [at] mapagsamantala sa ating bayan,” diing pahayag ni Pangulong Marcos sabay sabing “These recent operations of collection and distribution are expected to serve as a warning to all the smugglers and hoarders of rice in the Philippines.”
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng bigas sa San Andres Sports Complex sa Lungsod ng Maynila.
Nauna rito, namahagi rin ng bigas ang Pangulo sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Tungawan, Zamboanga Sibugay; Iriga City, Camarines Sur; at General Trias, Cavite. (Daris Jose)
-
RABIYA MATEO, kailangan nang maghanda kung totoong sa May 9 na ang ‘Miss Universe 2020’
MATUTULOY ngayong 2021 ang Miss Universe pageant. Ito ay ayon sa Miss Universe Organization vice-president Shawn McClain na naglabas ng maraming pagbabago sa pageant dahil sa COVID-19 pandemic. “There’s is a chance we change a bit, change some things about Miss Universe.I can’t say many details now, but changes (in) some […]
-
Kaso ng COVID-19 sa bansa, 49 na
NADAGDAGAN pa ng 16 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan 49 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) as of March11. Sa ngayon, agad na ikinakasa ng otoridad ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga kumpirmadong kaso ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire […]
-
‘Limitless: A Musical Trilogy’, wagi ng Silver Award sa 2022 New York Festivals: JULIE ANNE, ginulat ang followers nang i-post ang short hairstyle
GINULAT ni Julie Anne San Jose ang kanyang 2.6 million followers sa Instagram nang i-post niya ang bagong short hairstyle niya. Tawag sa hairstyle ng Limitless Star ay wolf haircut at pinakulayan pa niya ito ng bright golden brown. Dahil tapos na ang kanyang musical trilogy na Limitless, pinagupit na ni […]