PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas
- Published on January 14, 2025
- by Peoples Balita

Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC).
Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent seat sa UNSC para sa terminong 2027-2028. Ang Security Council ay ang pangunahing responsable para sa pagpapanatli ng ‘international peace at security.’
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid, and we hope for your support when the time comes when we are indeed sitting as a member of the Security Council,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang UNSC ay mayroong 15 miyembro kung saan ang bawat isa ay mayroong isang boto at sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Council.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong “rich experience in building peace, forging consensus, and finding new paths for cooperation.”
“Nowhere is this best highlighted than in our unfaltering contribution to UN Peacekeeping Operations over the past sixty years, deploying over 14,000 troops in 21 UN peacekeeping operations and special political missions,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa rin niya na ang layunin ng bansa ay nakaayon sa pananaw na ang multilateralism ay dapat na palakasin o pagtibayin sa pamamagitan ng pagreporma sa Security Council at pagpapasigla sa General Assembly.
Samantala, matatandaang nasungkit ng Pilipinas ang isang seat sa Security Council para sa terminong 2004-2005. (Daris Jose)
Other News
-
Sa tell-all and just for fun interview: Korina, napaamin ang social media star at kaibigan na si Small Laude
ANG pinaka-latest talk of the town, ang talk show na ‘Korina Interviews’ na kung saan host ang multi-awarded broadcaster na Korina Sanchez-Roxas, ay muli na namang kagigiliwan ng mga manonood. Dahil ngayong Linggo, November 13, makaka-chikahan niya ang social media star at kaibigan niyang si Small Laude. Inamin ni Small na […]
-
Ads May 5, 2023
-
Pagsasara ng POGO, walang epekto sa ekonomiya- DILG
WALANG masamang epekto sa ekonomiya ng bansa ang ganap na pagsasara ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na “As per NEDA, .25 of 1 percent of total GDP (gross domestic product) ang maaapektuhan. We don’t see […]