• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangakong palalawigin ang medical at nursing education programs

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalawigin nito ang medical at nursing education programs para tumulong na tugunan ang kakapusan ng  healthcare workers sa bansa dahil sa migration o pandarayuhan.

 

 

“To address the current shortage of healthcare professionals in our country, and to help us achieve our goal of universal healthcare, we are greatly expanding our medical and nursing education programs,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.

 

 

“We will push the envelope even further. We are helping nursing graduates hurdle their board exams, so that they will obtain their licenses and join our pool of healthcare professionals,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, ikinalungkot naman ng Pangulo ang pangingibang-bansa ng mga healthcare professionals sabay sabing ang Pilipinas ay naging biktima ng sarili nitong tagumpay dahil maraming bansa ang nagnanais na mag-hire ng mga Filipino nurses dahil sa kanilang propesyonalismo, maawain at dedikasyon sa trabaho.

 

 

Sa ulat, ayon sa Department of Health (DOH), kapos ang bansa ng 194,000 health professionals, tinukoy ang mababang sahod na isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ng mga nurse na magtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na itutuon ng administrasyon ang pansin nito sa pagtatayo ng  mas malusog na komunidad para sa mga Filipino lalo na matapos ang hamon na dala ng pandemiya sa sektor ng kalusugan.

 

 

“Ang kalusugan ang ikalawang armas: para sa lakas ng pangangatawan ng bawat Pilipino. Isinusulong nating muli ang kalusugan ng Pilipino,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

“We are now refocusing our health priorities, applying the lessons learned from the pandemic and addressing the weaknesses that it has exposed. Healthier communities and lifestyles are our advocacy,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • Top 6 most wanted person ng NPD, nasakote

    MATAPOS ang 10-buwan pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang umano’y rapist na tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Quezon City.   Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Intelligence Operation Section (IOS) […]

  • Ads February 12, 2021

  • Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!

    HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena.     Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para ang­kinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon.     Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa […]