Top 6 most wanted person ng NPD, nasakote
- Published on October 21, 2020
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang 10-buwan pagtatago, naaresto na ng pulisya ang isang umano’y rapist na tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) makaraang bumalik sa kanyang bahay sa Quezon City.
Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Intelligence Operation Section (IOS) at NPD District Intelligence Division (DID) sa matagumpay na pagkakaarestro kay Enrico Panlilio, 45, construction worker matapos bumalik sa kanyang bahay sa Block 5, Lot 11, Pook Pag-asa, Batasan Hills, Quezon City.
Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, unang nagsagawa ang mga tauhan ng DID at IOS discreet monitoring at surveillance operation malapit sa bahay ni Panlilio matapos ang natanggap nilang tip mula sa kanilang impormante na madalas bumisita ang akusado sa kanyang pamilya.
Alas-5 ng hapon, nakipag- koordinasyon ang mga tauhan ng IOS at NPD-DID sa Quezon City Police District (QCPD) saka i- sinilbi ang warrant of arrest na i- nisyu ni Caloocan Regional Trial (RTC) Family Court Judge Raymundo G. Vallega ng Branch 130 noong January 31, 2020 kontra kay Panlilio para sa kasong rape na walang i-nirekomendang piyansa.
“I commend the successful manhunt operation that led to the arrest of Northern Police District’s Top 6 Most Wanted Person. The efforts of our men in this venture indicates our sincerity to make all law offenders face the charges filed against them in court,” ani MGen.Sinas. (Richard Mesa)
-
Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH
PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus. Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni […]
-
Fajardo, iba pang maaangas kikilalanin ng PBA Press Corps
PAMUMUNUAN ng tatlong manlalaro at coach ng San Miguel Beer ang mga mga gagawaran ng parangal sa sabay na idaraos na Philippine Basketball Association Press Corps (PBAPC) 2019 and 2020 via virtual Special Awards Night 2021 sa sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City sa Marso 7. Ipinahayag Miyerkoles sa People’s BALITA ni […]
-
Team Pacquiao, ‘mixed emotions’ sa pagreretiro ni Pacman
Inamin ni dating two division world boxing champion Gerry Penalosa na mixed emotion sila sa pagreretiro ng kaibigang si Sen. Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing. Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, masaya sila na makakapag-focus na sa iba pang mahahalagang bagay ang Pinoy ring icon. Pero nalulungkot din sila […]