PBBM, pamilya binisita at nagbigay-galang sa namayapang ama na si Marcos Sr. nitong Undas
- Published on November 3, 2022
- by @peoplesbalita
GAYA ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng kanyang pamilya na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), araw ng Martes, Nobyembre 1.
Sa katunayan, isang misa ang isinagawa para kay Marcos Sr.
Kasama ng Pangulo ang kanyang asawa na si Unang Ginang Liza Araneta Marcos, ang kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos, kapatid na si Irene Marcos-Araneta, at iba pang miyembro ng pamilya.
Ang nasabing misa ay isinagawa bilang pagdiriwang ng Araw ng mga Patay o “Undas” — Ang “Araw Ng Mga Patay” ay ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 2.
Ito’y isang Katolikong pagdiriwang at tinatawag din itong “Undas”.
Sa pagdiriwang na ito, pinupuntahan ng mga Katoliko ang mga sementeryo upang magdarasal.
Ipinagdarasal nila ang mga Espiritu ng kanilang mga patay na kaibigan o miyembro ng pamilyang nasa Purgatoryo.
Purgatoryo ang tawag sa lugar ng mga Espiritung wala pa sa perpektong kalagayan.
Nagdarasal ang mga katoliko upang makaalis na ang mga Espiritu sa Purgatoryo at makapapasok sila sa langit upang magkaroon sila ng buhay na walang hanggan.
Habang sila’y nagdarasal, nag-aalay rin sila ng mga bulaklak at nakasinding kandila. (Daris Jose)
-
Dahil sa pahayag ni Manny laban sa LGBTQ+ community… Fil-Am actor na si DAVE, inaming pinatungan ang team logo tattoo
INAMIN ng Filipino-American wrestler-turned-Marvel actor na si Dave Bautista na pinatungan niya ng ibang design ang dati niyang tattoo na team logo ni Manny Pacquiao. Sa interview ng Guardians of the Galaxy Vol. 3 star with American magazine GQ na naka-post sa TikTok, hindi binanggit ni Bautista ang pangalan ni Pacquiao tungkol sa […]
-
NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD
Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30. Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod. Habang […]
-
Mahihirap na seniors, P1K na social pension sa DSWD simula Pebrero
SIMULA sa Pebrero ngayong taon ay makakatanggap na ng P1,000 monthly stipend ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget base na rin […]