• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, patuloy na pinupunan ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno

PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.

 

 

Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng iba’t ibang personalidad bilang mga bagong opisyal na bubuo sa Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Transportation, Office of the President at Department of Finance.

 

 

Sa Department of Foreign Affairs, itinalaga ng Pangulo sina Raymond R. Balatbat, Chief of Mission, Class II bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Saudi Arabia na may concurrent jurisdiction sa Republic of Yemen; Cathe Ryne Denice S. Aguilar, Foreign Service Officer, Class III; Nonito S. Cabrera Jr., Foreign Service Officer, Class III at Chryzl T. Sicat, Foreign Service Officer, Class III.

 

 

Sa Department of Health ay itinalaga naman ng Pangulo sina Paolo S. Teston bilang Assistant Secretary, Ferdinand M. Benbenen, Director IV at David A. Aventura Jr., bilang Executive Director.

 

 

Pinangalanan din ng Punong Ehekutibo si Maria Delia S. Presquito bilang Director IV ng Department of Information and Communications Technology (National Privacy Commission); Hilda F. Ibuyan, bilang miyembro ng Board of Pardons and Parole ng Department of Justice; Aldwin F. Alegre bilang Deputy Commissioner III ng Bureau of Immigration; at Raymond Anthony C. Dilag bilang Commissioner ng Presidential Commission on Good Government.

 

 

Sa Department of Labor and Employment (National Labor Relations Commission), itinalaga ng Chief Executive si Agnes Alexis L. De Grano bilang Presiding Commissioner, Sixth Division at Gavino R. Menses Jr., bilang Commissioner, tatayong kinatawan ng Employer Sector, Sixth Division.

 

 

Sa National Wages and Productivity Commission ay itinalaga ni Pangulong Marcos si Edgar B. Lim, bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Employees Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX; Roberto G. Valerio bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Employees Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX at Princess Nellaine S. Yting bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Workers Sector, Regional Tripartite Wages and Productivity Board, Region IX.

 

 

Sa kabilang dako, sa Department of the Interior and Local Government (Philippine Commission on Women) ay itinalaga ng Pangulo si Catalina L. Pizarro bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Senior Citizens Sector at Myrna T. Yao bilang miyembro, tatayong kinatawan ng Business and Industry Sector.

 

 

Sa Department of Trade and Industry ay itinalaga ng Pangulo si Cleotilde M. Duran bilang Provincial Trade and Industry Officer habang sa Philippine Creative Industries Development Council ay itinalaga naman nito si Conrado T. Onglao bilang miyembro, Public Sector Representative ng Cultural Sites Domain.

 

 

Sa Department of Transportation (Civil Aeronautics Board) ay itinalaga ng Pangulo si Maria Elbam S. Moro bilang Deputy Executive Director III; National Intelligence Coordinating Agency (National Maritime Aerial Reconnaissance and Surveillance Center) Jesus Leonardo M. Auxilio bilang Executive Director habang sa Office of the President (Games and Amusement Board) ay itinalaga si Francisco J. Rivera bilang chairman.

 

 

Samantala, sa Presidential Commission on Good Government (Bataan Shipyard and Engineering Company Inc., ay itinalaga ni Pangulong Marcos si Anthony C. Castelo bilang vice-chairman/ Chief Operating Officer at miyembro ng Board of Directors.

 

 

Sa Department of Finance (Securities and Exchange Commission) ay itinalaga ng Pangulo si Rogelio V. Quevedo bilang Commissioner.

Other News
  • Export ng PH lumampas ng $100-B noong 2023 – DTI

    IPINAGMALAKI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sa unang pagkakataon, ang mga export ng Pilipinas ay lumampas sa USD 100 bilyon noong 2023.     Ayon kay Director Bianca Sykimte ng DTI- Export Marketing Bureau (EMB) na ang kabuuang taon na pag-export ng parehong mga produkto at serbisyo ay umabot […]

  • Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika

    Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.     Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.   […]

  • Suporta sa atletang sasabak sa Tokyo Olympics, tuloy – PSC

    Siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner William “Butch” Ramirez na tuloy ang kanilang buong suporta sa mga atletang lalahok sa 2021 Tokyo Olympics.   Nangako ang PSC ng buong suporta kahit pa tinapyasan ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.   Isiniwalat ng PSC, na aabot sa P1.3 billion ng […]