• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinangunahan ang kampanya kontra online sex-abuse, exploitation; lumikha ng tanggapan para sa Child Protection

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kampanya laban sa lumalaganap na Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

 

Binigyang diin ng Chief Executive ang epekto sa ‘puso at pundasyon’ ng bawat komunidad sa Pilipinas.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na **Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang OSAEC Ngayon Summit 2024, tinukoy ng Pangulo na halos kalahating milyon ng kabataang Filipino ang biktima ng OSAEC.

 

“Many of these victims live within our midst, and several may even be the sons, daughters, and neighbors of those we know, while the perpetrators are the victims’ families or relatives who are expected to care for them,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

“We are here today to confront one of the greatest challenges of our time. The challenges that we face in government are always the challenges that are brought to us by the future. And what exemplifies our future more, what symbolizes our future more than our children? And that is why this strikes at the very heart of our society. It undermines the foundations of what we are, of who we are as a people,” aniya pa rin.

 

“In every community that is alive with the laughter and the chatter of children, there is a dark reality— where half a million Filipino, 1 in every 100 Filipinos has been victimized. It is an appalling statistic. We cannot allow this to continue. We will not allow it to continue. It is the horrible scourge of Online Sexual Abuse or Exploitation of Children or OSAEC, which remains widespread now in our country,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Kinilala ang pangangailangan na gumawa ng malawak na aksyon laban sa OSAEC, lumikha ang Pangulo ng Presidential Office for Child Protection (POCP), magsisilbi bilang ‘epicenter’ ng lahat ng pagsisikap, resources, at estratehiya upang matiyak na ang bawat bata sa bansa ay protektado at suportado.

 

“As this is a battle that we must not lose and we will not lose, this Administration created the Presidential Office for Child Protection or POCP, which is a critical step in our fight against this crisis,” ang inanunsyo ni Pangulong Marcos.

 

“The POCP will serve as the epicenter of our efforts, bringing together resources and strategies to ensure that every child in our country is protected and supported,” anito.

 

Tinukoy naman ng Chief Executive ang Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act at ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 bilang ‘legislative strides’ na nakatutok sa walang humpay na pagtugis sa mga salarin at papanagutin sa batas.

 

“On the legislative side, such as the Anti-OSAEC and Anti-CSAEM Act as well as the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, also underscore our relentless pursuit to bring these perpetrators to justice,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • ADB bibigyan ng pondo ang 4 na DOTr projects

    ANG Asian Development Bank (ADB) ay nakatalagang aprubahan ang funding para sa apat (4) na priority projects ng Department of Transportation (DOTr).   Ayon sa Manila-based na multi-lateral bank, nakahanay na para aprubahan ang EDSA Greenways Project, South Commuter Railway Project, Davao Bus Project at ang MRT 4 Line mula Ortigas papuntang Rizal province.   […]

  • Hanga rin sa pagiging mahusay na actress: JOSEPH, inamin na crush niya noon pa si RYZA

    SA Miyerkules, March 15 na ipalalabas ang pelikulang “Kunwari… Mahal Kita” na pinagtatambalan nina Ryza Cenon at Joseph Marco.       In fairness, sa title pa lang, interesting na ang movie. Masipag mag-promote ang dalawa dahil ang movie ay independently produced at distributed lamang ng VIVA Films.       Aliw kami kina Ryza […]

  • National athletes komportable sa ‘Calambubble’

    Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.     “It’s great here po,” […]