PBBM, pinangunahan ang ‘Malacañang Heritage Tours’
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng “Malacañang Heritage Tours,” kabilang na ang museo na nagpapakita ng “road to the Palace” ng Pangulo.
Pinasimulan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, ang Malacañang Heritage Tours ay umikot sa dalawang tanyag na museo na nagnagpapakita ng mga pamana ng mga Pangulo ng Pilipinas.
Kabilang na rito ang Bahay Ugnayan, nagpapakita ng buhay at political career ni Marcos. naka-display naman ang mga ‘early photos’ ni Marcos gaya ng buhay-estudyante, may lugar na nagpapakita ng pananatili sa Oxford University at larawan ng kanyang special diploma sa social studies.
Samantala, ang Teus Mansion ay isang museo na naglalayong turuan ang publiko ukol sa iba’t ibang kasaysayan ng mga Pangulo ng Pilipinas.
Makikita roon ng mga bisita ang mga dating “presidential attire, footwear, flags, and exquisitely sculpted busts, paying homage to the former leaders of the country.”
Tampok din sa museo ang portraits ng mga dating naging Unang Ginang.
Sa kabilang dako, ang Goldenberg Series exhibit ay nagsisilbi bilang platform para itaas ang kamalayan at ipagdiwang ang iba’t ibang “cultural heritage’ ng Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang nakabibighaning events.
Dahil dito, inimbitahan ni Pangulong Marcos ang publiko lalo na ang mga estudyante na pumunta at bisitahin ang mga nabanggit na museo.
“It is now open to the public. I invite everyone to come, puntahan ninyo lalo na ‘yung mga estudyante na nais makita ang lahat ng mga Pangulo ng ating Republika. Nandiyan lahat, may kaunting kwento ng kanilang buhay,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office na ang Malacañang Heritage Tours ay “provide a unique opportunity for individuals seeking a deeper appreciation for the remarkable past and distinguished leaders of the Philippines.”
“It stands as a must-see attraction, offering an engaging and enlightening experience that delves into the rich tapestry of Philippine history,” ayon sa PCO.
Tiniyak naman ng PCO na ang tours ay bukas sa publiko ng libre, ang guided tours ay available mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Magugunitang, naglabas si Pangulong Marcos ng executive order (EO) para sa pagtataguyod at pag-iingat ng mga makasaysayan at kultural na pamana ng Pilipinas sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala sa Malacañang Heritage Mansions at paglikha ng mga advisory at management bodies.
Ayon kay PCO, batay sa EO No. 26 ay ipinag-utos ni Pangulong Marcos nang pagbuo ng isang advisory board na bubuuin ng tatlong kinatawan mula sa Office of the President (OP), na magsisilbi sa ex officio capacity, at tatlong kinatawan mula sa pribadong sektor na itatalaga ng chief executive.
Inatasan ng Pangulo ang advisory board na bumalangkas ng mga patakaran, proyekto at programa para sa mahusay na pamamahala ng Malacañang Heritage Mansions na napapailalim sa mga umiiral na batas at regulasyon.
Nakapaloob din sa naturang kautusan ang pagtatatag ng Malacañang Heritage Mansions Management Center na magbibigay naman ng technical at administrative support sa binuong Advisory Board.
Ito ay pamumunuan naman ng isang Executive Director na titiyak sa day-to-day operations at maintenance sa mga subject properties.
Pangangasiwaan din nito ang mga operational activities kabilang na ang performance ng lahat ng empleyado at tauhan nito, kasama ang SoSec na nagsasagawa ng administrative supervision dito. (Daris Jose)
-
FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.” Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face […]
-
Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants
LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant. Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na […]
-
Maharlika Wealth Fund pirmado na ni Pangulong Marcos
NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malacañang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon. “Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng […]