PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan sa N. Samar
- Published on July 15, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Northern Samar.
Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito sa mga residente at lokal na opisyal ng Northern Samar na palaging handa ang national government na bigyan ang mga ito ng lahat ng tulong na kanilang kailangan bilang bahagi ng nilalayon ng gobyerno na itaas ang pamumuhay ng mga Filipino sa buong bansa.
Ginagawa aniya ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para tulungan ang micro-small and medium-sized enterprises (MSMEs).
“Nandito po kami para matiyak na ‘yung mga talagang bumagsak, kasi talagang maraming tinamaan nang mabigat, diyan naubos ang kanilang savings, nagsara ang kanilang negosyo, hindi na sila makabalik, ‘yun ang mga hinahanap namin para tulungan dahil ‘yan ang puno’t dulo ng ating ekonomiya, ang mga maliliit na negosyo, ang MSMEs,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Kaya’t kailangan natin pasiglahin at buhayin ‘yang sector na ‘yan. Kaya’t ‘yan po ang aming ginagawa ngunit kagaya ng sabi ko, mayroon pa ring nangangailangan ng tulong kaya tinitiyak din namin, mayroon din kami dito, na makapagbigay ng tulong sa ating mga cooperative,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ang Pangulo bilang concurrent Agriculture Secretary, nanguna sa distribusyon ng dalawang four-wheel drive tractors, tatlong multi-cultivators, apat na pump irrigation systems, isang cacao processing facility, iba’t ibang agricultural livelihood projects, apat na unit ng hand tractors at apat na rice threshers at apat na rice cutters.
Namahagi rin ang Pangulo nang mahigit sa 21,480 bag ng certified rice seeds, 300 bag ng hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers at P5,000 financial assistance kada isa para sa 1,220 farmer-beneficiaries sa Northern Samar.
Pinangunahan din ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) gaya ng 16 deep sea fish aggregating devices o paya, tatlong high-density polyethylene cages, 150 set ng seaweed farm implement at fingerlings, at pagkain para sa tilapia production sa mga lawa.
Namahagi rin ang Chief Executive ng 20 piraso ng 30-foot at limang 22-foot fiberglass boats at mangrove crablets at formulated feeds habang nag-donate naman ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ng dalawang ektaryang abaca mother block nursery sa local government unit ng Northern Samar.
Iniabot naman ng Pangulo ang apat na infrastructure projects sa provincial local government units ng Northern Samar.
Namahagi rin ang Pangulo ng financial assistance na nagkakahalaga ng P150,000 sa walong distressed overseas Filipino workers (OFWs) at scholarship assistance na nagkakahalaga ng P10,000 kada isa para sa dalawang dependents sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program.
Nagpaabot din ang Pangulo ng medical assistance na ngakakahalaga ng P30,000 sa dalawang benepisaryo sa ilalim ng Welfare Assistance Program at financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000 sa naulilang pamilya ng OFW. (Daris Jose)
-
GABBI, ipinamalas ang husay sa pagiging licensed scuba diver
MAY pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal life si Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia. Blessed talaga si Gabbi dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relasyon kay Khalil Ramos. Kaya ba blooming na bloom- ing ang aura ni Gabbi […]
-
Piston nagbanta muling maglulunsad ng welga laban sa PUVMP
SA GITNA ng darating na crackdown sa mga traditional jeepneys, ang mga drivers at operators ay nagbantang maglulungsad na naman ng isang welgang bayan sa Metro Manila habang padating ang deadline sa April 30 upang sila ay sumunod sa consolidation sa ilalim ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan. Sinabi […]
-
Duterte nagbigay-pugay sa mga frontliners ngayong Araw ng Kagitingan
Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan. Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng araw na ito ay mabibigyan tayo ng isang matibay na paalala ng hindi matatawarang determinasyon ng mga Pilipino na […]