PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine
- Published on November 7, 2024
- by @peoplesbalita
PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine.
“The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who otherwise couldn’t be reached,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.
Isa ang Malaysia sa Southeast Asian countries na nag-deploy ng kanilang air assets para makapagbigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.
Ang iba pang bansa ay ang Indonesia, Singapore, at Brunei.
“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN have responded with support in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
This kind of solidarity is what strengthens our region,” aniya pa rin.
Base naman sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mayroong mahigit sa dalawang milyong pamilya ang apektado ng bagyong Kristine at kamakailan na Bagyong Leon sa 17 rehiyon at 82 lalawigan. (Daris Jose)
-
COVID tests sa mga college athletes hindi na mandatory
HINDI na mandatory na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang mga atletang estudyante kapag nagdesisyon ang mga higher educational institution (HEI) ng kanilang training. Ito ang naging pahayag ng technical working group na binubuo ng Commission on Higher Education (CHEd), Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health. […]
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]
-
Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos
HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration. Si Marcos, nakatakdang manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30, ay pinangalanan sina outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello […]