PBBM pinatitigil ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Cha Cha
- Published on January 25, 2024
- by @peoplesbalita
PINATITIGIL ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang umano’y bayaran sa pangangalap ng pirma para sa Peoples Initiative na layong amyendahan ang 1987 Constitution.
Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kanyang inihayag na sakaling mayroong ganoong isyu na bayaran hindi ito tatanggapin ng Commission on Election.
Gayunpaman sinabi ng Pangulo na wala siyang natatanggap na ulat ukol sa bayaran kapalit ng pirma bagkus may mga nakarating sa kaniya na may mga ibinigay na pangako kapalit ng ibat ibang serbisyo.
Inihayag ng Pangulo na kanya sanang pinapatigil ang pagbibigay ng serbisyo ng DSWD sa publiko ngunit kaniyang napagtanto na hindi pwedeng itigil dahil marami ang nangangailangan.
Kaya ipinauubaya na ni Pang. Marcos sa Comelec ang pag-validate sa nasabing ulat. (Daris Jose)
-
Francis Ford Coppola Approaches Christian Bale To Star In His Upcoming Movie ‘Megalopolis’
ACCORDING to Robert Duvall, Francis Ford Coppola has approached Christian Bale to star in his upcoming movie, Megalopolis. Coppola, director of The Godfather movies, Apocalypse Now, and Bram Stoker’s Dracula, is one of the most awarded and iconic filmmakers of all time. Bale is an Academy Award-winning actor known for his work in The Dark Knight, American Psycho, Ford v Ferrari, and many […]
-
Isang milyong order na Sinovac ng gobyerno, parating na din ngayong buwan – Malakanyang
INAASAHANG paparating na rin ngayong buwan ang isang milyong bakuna pa ng Sinovac na babayaran na ng gobyerno. Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng aniya’y tuluy tuloy nang pagdating ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa. Aniya, sa unang naging plano ay 50,000 ang inaasahan sana nitong […]
-
Ads August 22, 2023